Mag-download o mag-delete ng mga hindi sinusuportahang video

Kung nag-upload ka ng mga video na hindi maproseso ng Google Photos, dapat mong suriin ang mga ito. Kung hindi ma-play ng Google Photos ang iyong video, puwede mo itong i-delete, o baka puwede mo itong ma-download.

Mahalaga: Ibabawas sa iyong quota ng storage ang mga hindi sinusuportahang video na ia-upload pagkalipas ng Pebrero 24, 2020.

Para makita ang iyong mga hindi sinusuportahang video:

  1. Sa iyong computer, buksan ang https://photos.google.com/unsupportedvideos.
  2. Piliin ang mga video na gusto mong i-download o i-delete.
    • I-download: I-click ang I-download .
    • I-delete: I-click ang I-delete I-delete at pagkatapos ay I-delete. ​

Kung magde-delete ka ng video, made-delete ito sa Google Photos, pero hindi sa iyong device kung nag-download ka ng kopya. 

Tiyaking gumagana ang iyong video sa Google Photos

Dapat ma-play sa Google Photos ang iyong video kung ito ay: 

  • May habang hindi bababa sa 1 segundo. 
  • May tamang uri ng file, tulad ng .mp4, .mod, o .mmv. 
  • Nape-play kapag na-download sa iyong device. Kung hindi ito ma-play, posibleng sira ito. 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
10251851474220374854
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
105394
false
false