Makatanggap ng mga suhestyon na magbahagi sa iyong mga contact

Makakuha ng mga suhestyon para simulang makipag-usap sa iba

Puwede kang makakuha ng suhestyon para magsimula ng pag-uusap sa mga contact kung kanino ka nakipag-ugnayan dati sa Google Photos.

  1. Sa iyong computer, buksan ang photos.google.com.
  2. Sa itaas, i-click ang Pagbabahagi .
    • Ang anumang suhestyong magbahagi sa isang indibidwal o grupo ay lalabas nang may “Iminumungkahi” sa tabi ng kanilang pangalan.
  3. Para pumili ng mga larawang ibabahagi, i-click ang .

Mag-delete ng mga iminumungkahing pag-uusap

  1. Sa iyong computer, buksan ang https://photos.google.com.
  2. Sa itaas, i-click ang Pagbabahagi .
  3. Mag-click sa iminumungkahing pag-uusap.
  4. Mag-click sa pangalan ng tao sa itaas.
  5. I-click ang I-delete ang iminumungkahing pag-uusap.

Makakita ng mga suhestyon para magdagdag ng mga larawan sa isang nakabahaging album 

Kung nakatanggap ka ng nakabahaging album, puwede kang makakita ng mga suhestyong magdagdag ng mga larawan sa album na iyon batay sa impormasyon tulad ng oras kung kailan kinunan ang mga larawan, lokasyon, o mga mukha sa mga larawan. Makakakita ka lang ng mga suhestyon batay sa mga mukha kung na-enable mo ang Mga Grupo ng Mukha. Para tingnan ang mga suhestyong magdagdag sa nakabahaging album:

  1. Sa iyong computer, buksan ang photos.google.com.
  2. Sa itaas, i-click ang Pagbabahagi .
    • Lalabas ang mga nakabahaging album na may mga suhestyong magdagdag nang may nakasulat na Magdagdag ng mga nauugnay na larawan? sa ibaba ng pamagat ng album.
  3. I-click ang album.
  4. Para suriin at idagdag ang mga iminumungkahing item, i-click ang Suriin.
  5. Para i-dismiss ang suhestyon, i-click ang Huwag, salamat na lang.

Hanapin ang mga nilaktawang suhestyon at i-delete o suriin ang mga ito

Kung magde-delete ka ng nilaktawang suhestyon, aalisin mo ang lahat ng impormasyon tungkol dito, kasama na kung nilaktawan mo na ito dati. Puwede kang makakita ng katulad na card sa ibang pagkakataon.

  1. Sa iyong computer, buksan ang photos.google.com.
  2. Sa itaas, i-click ang Mga Setting Mga Setting.
  3. Sa ilalim ng Mga Suhestyon, i-click ang Mga Nilaktawang Suhestyon.
  4. I-click ang Suriin o I-delete.

I-off ang mga notification

Kapag kumuha ka ng mga bagong larawan, posibleng makatanggap ka ng notification na ibahagi ang mga larawang ito.

  1. Sa iyong computer, buksan ang photos.google.com.
  2. Sa itaas, i-click ang Pagbabahagi .
  3. Sa ilalim ng "Pagbabahagi," i-off ang mga notification ng suhestyon sa pagbabahagi.
 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15735675391908765617
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
105394
false
false