Maglipat ng mga larawan sa archive

Puwede kang magtago ng mga larawan mula sa iyong view na Mga Larawan at ilipat ang mga ito sa archive. Makakatulong ito sa iyo na isaayos ang iyong mga larawan at itago ang anumang larawang ayaw mong makita nang madalas.

Ang anumang larawang iyong ia-archive ay:

  • Mananatili pa rin sa anumang album kung saan idinagdag ang mga ito, resulta ng paghahanap, at mga folder sa iyong device.
  • Hindi gagamitin para gumawa ng mga video ng highlight o animation.

Kung mayroon kang dokumento, resibo, o larawang mukhang hindi dapat nasa view mo ng Mga Larawan, puwede kang makatanggap ng card ng suhestyon para ilipat ito sa archive. Matuto pa.

Maglipat ng mga larawan sa archive

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Photos app Photos.
  2. Mag-sign in sa iyong Google Account.
  3. Pumili ng larawan.
  4. I-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Ilipat sa Archive.
  5. Opsyonal: Para mahanap ang anumang larawang na-archive mo sa iyong view na Mga Larawan, sa Google Photos app Photos, sa ibaba, i-tap ang Library at pagkatapos ay Archive.

Tingnan ang archive at mag-alis ng mga item sa archive

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Photos app Photos.
  2. Mag-sign in sa iyong Google Account.
  3. Sa ibaba, i-tap ang Library at pagkatapos ay Archive.
  4. Pumili ng larawan. Pumindot nang matagal para pumili ng maraming larawan.
  5. I-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Alisin sa Archive.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3230830378871774426
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
105394
false
false