Mag-block at mag-ulat ng tao sa Google Photos

Para ihinto ang mga interaction sa isang tao, puwede mong i-block ang kanyang Google Account. Matuto tungkol sa pag-block ng Mga Google Account.​

Mag-block ng tao sa isang nakabahaging album

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Photos app Photos.
  2. Magbukas ng album na sinalihan niya.
  3. Sa itaas, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mga Opsyon.
  4. Sa tabi ng kanyang pangalan, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay I-block ang tao.

Mag-block ng tao sa pag-uusap

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Photos app Photos.
  2. I-tap ang pag-uusap na gusto mong buksan.
  3. Sa itaas, i-tap ang mga pangalan ng mga tao sa pag-uusap.
  4. Sa tabi ng taong gusto mong i-block, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay I-block ang tao.

Ano ang mangyayari kapag nag-block ka ng isang tao

  • Hindi ninyo makikita ang mga larawan, video, o komento ng isa't isa sa Google Photos. Kung mayroon siyang link ng iyong album, posibleng mahanap niya ito kung naka-sign out siya.
  • Kung pagmamay-ari mo ang album at nag-block ka ng contributor, maaalis sa album ang kanyang content.
  • Kung iba-block mo ang may-ari ng album, maaalis ang content mo sa album.
  • Kung iba-block mo ang isang tao mula sa isang album na hindi mo pagmamay-ari, hindi ninyo makikita ng taong na-block mo ang content ng isa't isa.
  • Ang iba-block mong tao ay iba-block din sa ilan pang ibang serbisyo ng Google, gaya ng Hangouts.

Tingnan kung sino ang na-block mo

Puwede mong tingnan ang mga account na na-block mo at i-unblock sila mula sa iyong listahan ng pag-block.

Para mag-unblock ng isang tao sa iyong device

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Photos app Photos.
  2. Mag-sign in sa iyong Google Account.
  3. Sa itaas, i-tap ang iyong larawan o inisyal sa profile.
  4. I-tap ang Pamahalaan ang iyong Google Account.
  5. Mula sa tab na “Home,” mag-scroll.
  6. I-tap ang tab na Mga Tao at Pagbabahagi.
  7. I-tap ang Naka-block.
  8. Sa tabi ng pangalan ng taong naka-block, i-tap ang Alisin Alisin.

 

Iulat ang mga nakakapanakit o hindi kanais-nais na larawang ipinadala sa iyo

Kung may isang taong gagamit ng naibabahaging link para magpadala sa iyo ng mga larawan o video na pinaniniwalaan mong lumalabag sa mga patakaran sa Google, puwede mong iulat ang mga ito.

Panliligalig, pambu-bully, mapoot na salita, graphic na karahasan, explicit na sekswal na content, o spam

  1. Buksan ang larawan o video sa Google Photos.
  2. Sa itaas, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mag-ulat ng pang-aabuso.
    • Kung hindi mo ito makita, i-tap ang Mag-sign In. Kailangan ay naka-sign in ka sa iyong Google Account para makapag-ulat ka.
  3. Piliin ang dahilan ng iyong ulat.
  4. I-tap ang Iulat.

Larawan ng menor de edad

Kung ikaw ang menor de edad sa larawan, o kung ikaw ang magulang o tagapag-alaga ng naturang menor de edad, puwede mong hilinging paghigpitan ang pagbabahagi ng larawang iyon.

Mag-ulat ng nakabahaging album

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Photos app Photos.
  2. I-tap ang Pagbabahagi .
  3. Buksan ang nakabahaging album na gusto mong iulat.
  4. Sa itaas, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mag-ulat ng pang-aabuso.
  5. Piliin ang dahilan ng iyong ulat.
  6. I-tap ang Iulat.

Kung ayaw mong buksan ang nakabahaging album, puwede mo pa rin itong iulat.

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Photos app Photos.
  2. I-tap ang Pagbabahagi .
  3. Sa tabi ng “Mga nakabahaging album,” i-tap ang Tingnan lahat.
  4. Sa tabi ng album na gusto mong iulat, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mag-ulat ng pang-aabuso.
  5. Piliin ang dahilan ng iyong ulat.
  6. I-tap ang Iulat.

Tip: Available lang ang opsyong ito kung hindi mo pa binubuksan ang nakabahaging album.

Mag-ulat ng pag-uusap

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Photos app Photos.
  2. I-tap ang Pagbabahagi .
  3. I-tap ang pag-uusap na gusto mong iulat.
  4. Sa itaas, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mag-ulat ng pang-aabuso.
  5. Piliin ang dahilan ng iyong ulat.
  6. I-tap ang Iulat.

Kung ayaw mong buksan ang pag-uusap, puwede mo pa rin itong iulat.

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Photos app Photos.
  2. I-tap ang Pagbabahagi .
  3. Sa tabi ng pag-uusap na gusto mong iulat, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mag-ulat ng pang-aabuso.
  4. Piliin ang dahilan ng iyong ulat.
  5. I-tap ang Iulat.

Tip: Available lang ang opsyong ito kung hindi mo pa nabubuksan ang huling ipinadalang item sa pag-uusap.

Mag-ulat ng komento

  1. Buksan ang larawan o video sa Google Photos.
  2. Mag-tap sa komento at pagkatapos ay Mag-ulat ng pang-aabuso.

Mga aksyong puwedeng gawin ng Google

Kapag natanggap ng Google ang ulat mo, puwede naming suriin ang content at puwede kaming umaksyon. Mga pagkilos na puwede naming gawin:

  • Paghigpitan ang access sa content
  • Alisin ang content
  • Limitahan o wakasan ang access ng lumabag sa mga produkto ng Google
Pakitandaang puwedeng hindi spam o pang-aabuso ang isang bagay na nakakapanakit para sa iyo sa ilalim ng mga patakaran ng Google.

Mga kaugnay na resource

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12196299466504268833
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
105394
false
false