Mababago mo kung sino ang makakapaghanap sa iyong mga larawan, video, o album na ibinahagi mo sa Google Photos. Magagawa mo ito kung ikaw ang may-ari ng album.
Ihinto ang pagbabahagi ng album
Kung ihihinto mong magbahagi ng album:
- Hindi makikita ng ibang tao ang iyong album.
- Maaalis ang mga komento at larawang idinagdag ng ibang tao.
Mahalaga: Kung may nag-download o kumopya na ng mga larawan o video na ibinahagi mo, hindi made-delete ng pag-off sa pagbabahagi ang mga download o kopyang iyon.
I-on o i-off ang Pagbabahagi ng link
- Buksan ang gustong album at i-click ang Higit pa
Mga Opsyon.
- I-click ang toggle sa tabi ng Pagbabahagi ng link para i-on o i-off ito.
Ikaw dapat ang may-ari ng album para makapag-alis ka ng isang tao.
- Buksan ang gustong album.
- I-click ang Higit pa
Mga Opsyon.
- Mag-scroll para mahanap ang contact na gusto mong alisin.
- I-click ang Higit pa
Alisin ang tao.
Pigilan ang mga taong magdagdag ng mga larawan sa isang album
Kung naka-on ang "Mag-collaborate," makakapagdagdag ng mga larawan ang sinumang may link sa nakabahagi mong album.
Para pigilan ang mga taong magdagdag ng mga larawan:
- Sa iyong Android device, buksan ang Google Photos app
.
- Sa ibaba, i-tap ang Mga Koleksyon
Mga Album.
- Para hanapin ang mga gusto mong album, magpalipat-lipat sa “Lahat,” “Ibinahagi sa akin,” at “Mga album ko.”
- Magbukas ng album.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa
Mga Opsyon.
- I-off ang Mag-collaborate.
Mga Paalala:
- Hindi mo mapipigilan ang mga indibidwal na tao na magdagdag ng mga item, ngunit maaari mong pigilan ang lahat na magdagdag ng mga item.
- Makikita mo pa rin ang mga larawang idinagdag ng iba, maliban na lang kung aalisin mo ang mga ito.
Umalis sa isang album
Kapag umalis ka sa album, maaalis ang iyong mga larawan at komento.
- Sa iyong Android device, buksan ang Google Photos app
.
- Sa ibaba, i-tap ang Mga Koleksyon
Mga Album.
- Para hanapin ang mga gusto mong album, magpalipat-lipat sa “Lahat,” “Ibinahagi sa akin,” at “Mga album ko.”
- Magbukas ng album.
- I-tap ang Higit pa
Mga Opsyon
Umalis sa album.
Pamahalaan ang iyong mga like at komento
Pigilan ang mga taong magdagdag ng mga komento at like
Kung io-off mo ang pagkokomento, hindi mala-like ng mga tao ang iyong mga larawan. Makikita mo pa rin ang mga kasalukuyang like at komento maliban na lang kung ide-delete mo ang mga ito.
- Sa iyong Android device, buksan ang Google Photos app
.
- Sa ibaba, i-tap ang Mga Koleksyon
Mga Album.
- Para hanapin ang mga gusto mong album, magpalipat-lipat sa “Lahat,” “Ibinahagi sa akin,” at “Mga album ko.”
- Magbukas ng album na ginawa mo.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa
Mga Opsyon.
- I-off ang Mga komento at like.
Tingnan ang lahat ng komento
Para tingnan o i-delete ang lahat ng komento at like na iyong isinagawa, pumunta sa log ng aktibidad.
Mga kaugnay na resource
- Mag-block at mag-ulat ng tao sa Google Photos
- Magbahagi ng mga larawan at video
- I-set up ang pagbabahagi sa partner
- Makatanggap ng mga suhestyong magbahagi sa iyong mga contact
- Lagyan ng label ang iyong face group
- Paano nagbibigay ng higit pang privacy sa iyong mga larawan ang mga kontrol sa nakabahaging album
- Get updates when people share with you (Makatanggap ng mga update kapag may nagbahagi sa iyo)