Piliin ang kalidad ng backup ng iyong mga larawan at video

Puwede mong baguhin ang kalidad ng backup ng iyong mga larawan at video para umayon ito sa mga kagustuhan mo, o para makatipid ka sa storage space. May kasamang 15 GB na storage ang bawat Google Account, at magagawa mong bumili ng higit pang storage o bakantehin ang iyong storage space anumang oras.

Mahalaga:

Matuto pa tungkol sa iyong mga opsyon sa pag-back up

Orihinal na kalidad

Iso-store ang mga larawan at video sa resolution na pareho sa panahon noong kinuha mo ang mga ito, nang walang pagbabago sa kalidad.

  • Ibabawas sa storage ng iyong Google Account ang mga larawan at video na na-back up sa Orihinal na kalidad.
  • Inirerekomenda para sa mga larawang may mahigit 16 MP at mga video na mas mataas sa 1080p.
  • Inirerekomenda para sa pag-print ng malalaking banner.
Storage saver

Mahalaga: Hindi ibabawas sa storage ng iyong Google Account ang anumang larawan o video na na-back up mo sa Mataas na kalidad, na tinatawag na ngayong Storage saver, bago ang Hunyo 1, 2021. Alamin kung paano tingnan ang kalidad ng backup ng isang larawan.

Iso-store ang mga larawan at video sa medyo mas mababang kalidad.

  • Ibabawas sa storage ng iyong Google Account ang mga larawan at video na na-back up sa Storage saver.
  • Iko-compress ang mga larawan para makatipid sa space: Kung mahigit 16 MP ang isang larawan, ire-resize at gagawin itong 16 MP.
    • Puwede kang mag-print ng mga de-kalidad na 16 MP na larawan sa mga sukat na hanggang 24 inches x 16 inches.
  • Ang mga larawang ia-upload mo sa Storage saver ay posibleng ma-compress sa ibang format ng imahe, tulad ng .jpg.
  • Ire-resize at gagawing high-definition 1080p ang mga video na mas malaki sa 1080p. Malapit sa orihinal ang magiging hitsura ng video na may 1080p o mas mababa. Posibleng mawala ang ilang impormasyon, gaya ng mga closed caption.
  • Sa ilang sitwasyon, posibleng hindi ma-compress ang ilang partikular na larawan at video at iso-store ang mga ito sa orihinal na laki ng file ng mga ito. May ilang Multi-Picture Format (mpf) .jpg na hindi puwedeng ma-compress, tulad ng mga portrait na kukunan mo gamit ang isang Android device.
Express

Mahalaga: Hindi ibabawas sa storage ng iyong Google Account ang anumang larawan o video na na-back mo sa Express na kalidad bago ang Hunyo 1, 2021

Kung hindi mo makikita ang opsyong ito sa iyong mga setting ng pag-back up, hindi ito available sa bansa o rehiyon mo.
  • Ibabawas sa storage ng iyong Google Account ang mga larawan at video na na-back up sa Express na kalidad.
  • Posibleng i-compress ang mga larawan para mas kaunting mobile data ang gamitin. Kung mahigit 3 MP ang isang larawan, ire-resize at gagawin itong 3 MP.
  • Puwede kang mag-print ng mga de-kalidad na 3 MP na larawan sa mga sukat na hanggang 6 inches x 8 inches.
  • Ire-resize sa karaniwang definition na 480p ang mga video na mas mataas sa 480p. Malapit sa orihinal ang magiging hitsura ng video na may 480p o mas mababa. Posibleng mawala ang ilang impormasyon, gaya ng mga closed caption.
  • Sa ilang sitwasyon, posibleng hindi ma-compress ang ilang partikular na larawan at video at iso-store ang mga ito sa orihinal na laki ng file ng mga ito. May ilang Multi-Picture Format (mpf) .jpg na hindi puwedeng ma-compress, tulad ng mga portrait na kukunan mo gamit ang isang Android device.

Paliitin ang iyong mga larawan at video

Kung mayroon kang mga larawang nasa Orihinal na kalidad at gusto mong makatipid sa storage space, gawing Storage saver (na dating Mataas na kalidad) ang mga na-back up mo nang larawan at video. Hindi lalabas ang setting na ito kung mayroon kang unlimited na storage para sa Google Photos.

Mahalaga:

  • Isang beses sa isang araw ka lang makakapag-recover ng storage. Hindi babaguhin ng pag-recover ng storage ang kalidad ng mga ia-upload mo sa hinaharap.
  • Sa ilang sitwasyon, posibleng hindi ma-compress ang ilang partikular na larawan at video at iso-store ang mga ito sa orihinal na laki ng file ng mga ito. May ilang Multi-Picture Format (mpf) .jpg na hindi puwedeng ma-compress, tulad ng mga portrait na kukunan mo gamit ang isang Android device.
  1. Sa iyong computer, pumunta sa photos.google.com.
  2. Sa itaas, i-click ang Mga Setting at pagkatapos ay Pamahalaan ang storage.
  3. Sa ilalim ng “I-recover ang storage,” i-click ang I-convert ang mga kasalukuyang larawan at video sa Storage saver.

Baguhin ang kalidad ng iyong backup

  1. Sa iyong computer, buksan ang photos.google.com/settings.
  2. Pumili ng kalidad ng backup.

Tip: Para tingnan ang kalidad at laki ng backup, pumunta sa isang larawan o video at i-click ang Impormasyon Impormasyon. Makikita mo ang mga detalye ng backup sa ilalim ng "Mga Detalye."

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3378208214544599489
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
105394
false
false