Piliin ang kalidad ng backup ng iyong mga larawan at video

Puwede mong baguhin ang kalidad ng backup ng iyong mga larawan at video para umayon ito sa mga kagustuhan mo, o para makatipid ka sa storage space. May kasamang 15 GB na storage ang bawat Google Account, at magagawa mong bumili ng higit pang storage o bakantehin ang iyong storage space anumang oras.

Mahalaga:

Matuto pa tungkol sa iyong mga opsyon sa pag-back up

Orihinal na kalidad

Iso-store ang mga larawan at video sa resolution na pareho sa panahon noong kinuha mo ang mga ito, nang walang pagbabago sa kalidad.

  • Ibabawas sa storage ng iyong Google Account ang mga larawan at video na na-back up sa Orihinal na kalidad.
  • Inirerekomenda para sa mga larawang may mahigit 16 MP at mga video na mas mataas sa 1080p.
  • Inirerekomenda para sa pag-print ng malalaking banner.
Storage saver

Mahalaga: Hindi ibabawas sa storage ng iyong Google Account ang anumang larawan o video na na-back up mo sa Mataas na kalidad, na tinatawag na ngayong Storage saver, bago ang Hunyo 1, 2021. Alamin kung paano tingnan ang kalidad ng backup ng isang larawan.

Iso-store ang mga larawan at video sa medyo mas mababang kalidad.

  • Ibabawas sa storage ng iyong Google Account ang mga larawan at video na na-back up sa Storage saver.
  • Iko-compress ang mga larawan para makatipid sa space: Kung mahigit 16 MP ang isang larawan, ire-resize at gagawin itong 16 MP.
    • Puwede kang mag-print ng mga de-kalidad na 16 MP na larawan sa mga sukat na hanggang 24 inches x 16 inches.
  • Ang mga larawang ia-upload mo sa Storage saver ay posibleng ma-compress sa ibang format ng imahe, tulad ng .jpg.
  • Ire-resize at gagawing high-definition 1080p ang mga video na mas malaki sa 1080p. Malapit sa orihinal ang magiging hitsura ng video na may 1080p o mas mababa. Posibleng mawala ang ilang impormasyon, gaya ng mga closed caption.
  • Sa ilang sitwasyon, posibleng hindi ma-compress ang ilang partikular na larawan at video at iso-store ang mga ito sa orihinal na laki ng file ng mga ito. May ilang Multi-Picture Format (mpf) .jpg na hindi puwedeng ma-compress, tulad ng mga portrait na kukunan mo gamit ang isang Android device.
Express

Mahalaga: Hindi ibabawas sa storage ng iyong Google Account ang anumang larawan o video na na-back mo sa Express na kalidad bago ang Hunyo 1, 2021

Kung hindi mo makikita ang opsyong ito sa iyong mga setting ng pag-back up, hindi ito available sa bansa o rehiyon mo.
  • Ibabawas sa storage ng iyong Google Account ang mga larawan at video na na-back up sa Express na kalidad.
  • Posibleng i-compress ang mga larawan para mas kaunting mobile data ang gamitin. Kung mahigit 3 MP ang isang larawan, ire-resize at gagawin itong 3 MP.
  • Puwede kang mag-print ng mga de-kalidad na 3 MP na larawan sa mga sukat na hanggang 6 inches x 8 inches.
  • Ire-resize sa karaniwang definition na 480p ang mga video na mas mataas sa 480p. Malapit sa orihinal ang magiging hitsura ng video na may 480p o mas mababa. Posibleng mawala ang ilang impormasyon, gaya ng mga closed caption.
  • Sa ilang sitwasyon, posibleng hindi ma-compress ang ilang partikular na larawan at video at iso-store ang mga ito sa orihinal na laki ng file ng mga ito. May ilang Multi-Picture Format (mpf) .jpg na hindi puwedeng ma-compress, tulad ng mga portrait na kukunan mo gamit ang isang Android device.

Baguhin ang kalidad ng iyong backup

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Photos app Photos.
  2. Mag-sign in sa iyong Google Account.
  3. Sa itaas, i-tap ang iyong Larawan sa profile o Inisyal.
  4. Piliin ang Mga setting ng Google Photos Mga Setting at pagkatapos ay Backup at pagkatapos ay Kalidad ng backup.
  5. Pumili ng kalidad ng backup.

Tip: Para tingnan ang kalidad at laki ng backup, pumunta sa isang larawan o video at mag-swipe pataas. Makikita mo ang mga detalye ng backup sa ilalim ng "Mga Detalye."

  • Kung hindi puwedeng i-compress ang isang larawan o video, sa ilalim ng "Mga Detalye,” makikita mo ang "Hindi kwalipikado para sa Storage saver." Lalabas lang ito kung sinubukan mong i-back up ang item sa Storage saver na kalidad.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
13473419575701710676
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
105394
false
false