Piliin ang kalidad ng backup ng iyong mga larawan at video

Puwede mong baguhin ang kalidad ng backup ng iyong mga larawan at video para umayon ito sa mga kagustuhan mo, o para makatipid ka sa storage space. May kasamang 15 GB na storage ang bawat Google Account, at magagawa mong bumili ng higit pang storage o bakantehin ang iyong storage space anumang oras.

Mahalaga:

Matuto pa tungkol sa iyong mga opsyon sa pag-back up

Orihinal na kalidad

Iso-store ang mga larawan at video sa resolution na pareho sa panahon noong kinuha mo ang mga ito, nang walang pagbabago sa kalidad.

  • Ibabawas sa storage ng iyong Google Account ang mga larawan at video na na-back up sa Orihinal na kalidad.
  • Inirerekomenda para sa mga larawang may mahigit 16 MP at mga video na mas mataas sa 1080p.
  • Inirerekomenda para sa pag-print ng malalaking banner.
Storage saver

Mahalaga: Hindi ibabawas sa storage ng iyong Google Account ang anumang larawan o video na na-back up mo sa Mataas na kalidad, na tinatawag na ngayong Storage saver, bago ang Hunyo 1, 2021. Alamin kung paano tingnan ang kalidad ng backup ng isang larawan.

Iso-store ang mga larawan at video sa medyo mas mababang kalidad.

  • Ibabawas sa storage ng iyong Google Account ang mga larawan at video na na-back up sa Storage saver.
  • Iko-compress ang mga larawan para makatipid sa space: Kung mahigit 16 MP ang isang larawan, ire-resize at gagawin itong 16 MP.
    • Puwede kang mag-print ng mga de-kalidad na 16 MP na larawan sa mga sukat na hanggang 24 inches x 16 inches.
  • Ang mga larawang ia-upload mo sa Storage saver ay posibleng ma-compress sa ibang format ng imahe, tulad ng .jpg.
  • Ire-resize at gagawing high-definition 1080p ang mga video na mas malaki sa 1080p. Malapit sa orihinal ang magiging hitsura ng video na may 1080p o mas mababa. Posibleng mawala ang ilang impormasyon, gaya ng mga closed caption.
  • Sa ilang sitwasyon, posibleng hindi ma-compress ang ilang partikular na larawan at video at iso-store ang mga ito sa orihinal na laki ng file ng mga ito. May ilang Multi-Picture Format (mpf) .jpg na hindi puwedeng ma-compress, tulad ng mga portrait na kukunan mo gamit ang isang Android device.
Express

Mahalaga: Hindi ibabawas sa storage ng iyong Google Account ang anumang larawan o video na na-back mo sa Express na kalidad bago ang Hunyo 1, 2021

Kung hindi mo makikita ang opsyong ito sa iyong mga setting ng pag-back up, hindi ito available sa bansa o rehiyon mo.
  • Ibabawas sa storage ng iyong Google Account ang mga larawan at video na na-back up sa Express na kalidad.
  • Posibleng i-compress ang mga larawan para mas kaunting mobile data ang gamitin. Kung mahigit 3 MP ang isang larawan, ire-resize at gagawin itong 3 MP.
  • Puwede kang mag-print ng mga de-kalidad na 3 MP na larawan sa mga sukat na hanggang 6 inches x 8 inches.
  • Ire-resize sa karaniwang definition na 480p ang mga video na mas mataas sa 480p. Malapit sa orihinal ang magiging hitsura ng video na may 480p o mas mababa. Posibleng mawala ang ilang impormasyon, gaya ng mga closed caption.
  • Sa ilang sitwasyon, posibleng hindi ma-compress ang ilang partikular na larawan at video at iso-store ang mga ito sa orihinal na laki ng file ng mga ito. May ilang Multi-Picture Format (mpf) .jpg na hindi puwedeng ma-compress, tulad ng mga portrait na kukunan mo gamit ang isang Android device.

Baguhin ang kalidad ng iyong backup

Mahalaga: Kung wala ka nang storage, hindi mo mababago ang kalidad ng iyong backup.

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Google Photos app Photos.
  2. Sa itaas, i-tap ang iyong Larawan sa profile o Inisyal.
  3. I-tap ang Mga setting ng Photos Mga Setting at pagkatapos ay Backup at pagkatapos ay Kalidad ng backup.
  4. Pumili ng kalidad ng backup.

Tip: Para tingnan ang kalidad at laki ng backup, pumunta sa isang larawan o video at mag-swipe pataas. Makikita mo ang mga detalye ng backup sa ilalim ng "Mga Detalye."

  • Kung hindi puwedeng i-compress ang isang larawan o video, sa ilalim ng "Mga Detalye,” makikita mo ang "Hindi kwalipikado para sa Storage saver." Lalabas lang ito kung sinubukan mong i-back up ang item sa Storage saver na kalidad.
Matuto tungkol sa mga pagbabago sa kalidad ng backup
  • Kung naka-sign in ka sa iyong Google Account at ginagamit mo ang Google Photos sa maraming device, puwede mong baguhin ang kalidad ng iyong backup para sa isang device at hindi ito makakaapekto sa mga setting ng pag-back up sa ibang device.
  • Kung babaguhin at gagawin mong Storage saver o Orihinal na kalidad ang kalidad ng iyong backup mula sa pagiging Express, ia-upload ulit ng Google Photos ang anumang dati nang larawan o video sa device mo.
  • Posibleng makakita ka ng opsyong limitahan ang paggamit ng data ng backup.

Matuto tungkol sa pag-back up sa Google Photos sa iyong Pixel

Kung io-on mo ang pag-back up sa iyong Pixel phone, awtomatikong iba-back up sa Google Photos, mula sa telepono mo, ang mga larawan at video na kukunan mo sa iyong Pixel. Matuto pa tungkol sa pag-back up sa Google Photos.

Pixel 3a-5

Mapipili mong i-back up ang iyong mga larawan at video sa Storage saver, na dating Mataas na kalidad, o sa Orihinal na kalidad. Unlimited at libre ang pag-back up ng mga larawan at video sa Storage saver mula sa Pixel 3a-5. Ibabawas sa storage ng iyong Google Account ang mga larawan at video na na-back up sa Orihinal na kalidad.  Alamin kung paano baguhin ang kalidad ng iyong backup, at matuto pa tungkol sa mga plan ng storage.

Pixel 3

Mananatili sa Orihinal na kalidad, nang libre, ang mga larawan at video na na-back up sa Orihinal na kalidad sa o bago ang Enero 31, 2022. Ise-save sa Storage saver, nang libre, ang mga larawan at video na na-back up pagkalipas ng Enero 31, 2022. Ibabawas sa storage ng iyong Google Account ang mga larawan at video na na-back up sa Orihinal na kalidad.

Pixel 2

Mananatili sa Orihinal na kalidad, nang libre, ang mga larawan at video na na-back up sa Orihinal na kalidad sa o bago ang Enero 16, 2021. Ise-save sa Storage saver, nang libre, ang mga larawan at video na na-back up pagkalipas ng Enero 16, 2021. Ibabawas sa storage ng iyong Google Account ang mga larawan at video na na-back up sa Orihinal na kalidad.

Pixel (1st generation)

Magkakaroon ka ng libreng unlimited na storage sa Orihinal na kalidad. Hindi ka makakapag-back up sa Storage saver.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
4520241201903802641
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
105394
false
false