Mag-delete ng mga larawan at video

Mananatili sa iyong trash sa loob ng 60 araw ang mga larawan at video na ide-delete mo bago
i-delete nang tuluyan ang mga ito. Hindi na mare-restore ang mga larawan at video na permanente nang na-delete. Alamin kung paano i-on ang pag-back up.

Bago ka mag-delete ng mga larawan at video

Alamin kung saan naaalis at hindi naaalis ang mga larawan at video

Ang mga item na ide-delete mo sa Google Photos ay maaalis din sa:

Ang mga item na ide-delete mo ay hindi awtomatikong maaalis sa:

  • Blogger
  • Drive
  • Gmail
  • Lokal na storage kapag na-download ang mga file sa mga iOS device, at sa ilang device sa Android 11 o mas bago.
  • YouTube

Bago ka magsimula

I-download at i-install ang Google Photos app.

Mag-delete ng mga larawan at video

Puwede kang mag-delete ng hanggang 1,500 larawan at video sa library ng Google Photos mo o sa iyong camera roll nang sabay-sabay.

Mahalaga: Kapag nag-delete ka ng mga larawan at video sa Google Photos app, made-delete din ang mga item na iyon sa iyong device. Kung naka-back up ang mga item na ito, made-delete ang parehong content sa lahat ng device na naka-on ang pag-back up. Alamin kung paano mag-alis ng mga naka-back up na larawan at video sa Google Photos nang hindi naaalis ang mga ito sa iyong device.

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Photos app Photos.
  2. Mag-sign in sa iyong Google Account.
  3. Pindutin nang matagal ang larawan o video na gusto mong ilipat sa trash. Puwede kang pumili ng maraming larawan at video.
  4. Sa itaas, i-tap ang I-delete I-delete.
Tip: May ilang larawang nakakatipid ng space kapag na-delete. Kung magde-delete ka ng larawang nakakatipid ng storage space sa iyong Google Account, posibleng makakuha ka ng pagtatantya ng nabakanteng storage.

Alamin kung ano ang nangyayari sa mga larawan at video na na-delete mo

  • Kung magde-delete ka ng larawan o video na naka-back up sa Google Photos, mananatili ito sa iyong trash sa loob ng 60 araw.
  • Kung permanente kang magde-delete ng larawan o video sa iyong iPhone o iPad nang hindi ito naka-back up sa Google Photos, mananatili ito sa iyong trash nang 30 araw, at pagkatapos ay made-delete na ito habambuhay. Alamin kung paano i-on ang pag-back up.

Tip: Puwedeng manatili sa naaalis na memory card ang mga na-delete na larawan at video. Para permanenteng i-delete ang mga ito, gamitin ang gallery app ng iyong device.

Permanenteng mag-delete ng mga larawan at video

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Photos app Photos.
  2. Mag-sign in sa iyong Google Account.
  3. Sa ibaba, i-tap ang Library at pagkatapos ay Trash at pagkatapos ay Pumili.
  4. Piliin ang larawan o video na gusto mong permanenteng i-delete.
  5. Sa itaas, i-click ang Piliin Piliin.
  6. I-tap ang I-delete at pagkatapos ay I-delete.

Tip: Posibleng makita mo pa rin ang mga item na permanenteng na-delete sa Google Photos sa iyong iPhone o iPad sa folder ng na-delete kamakailan sa Apple Photos.

Mag-alis ng item sa iyong device

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Photos app Photos.
  2. Mag-sign in sa iyong Google Account.
  3. Piliin ang larawan o video na gusto mong i-delete sa iyong iPhone o iPad.
  4. Sa itaas, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay I-delete sa device.

Matutunan kung paano magbakante ng espasyo sa iyong device.

Alisin ang mga naka-back up na larawan at video sa Google Photos nang hindi naaalis ang mga ito sa iyong device

  1. Sa iyong iPhone o iPad, sa Google Photos app, i-off ang pag-back up.
    • I-off ang pag-back up sa lahat ng device kung saan mo gustong manatili ang larawan o video.
  2. Sa iyong computer o sa mobile browser mo, pumunta sa photos.google.com/login.
  3. I-delete ang mga napili mong naka-back up na larawan at video sa Google Photos.
  4. Sa iyong iPhone o iPad, maghintay ng ilang minuto para tiyaking nakakonekta ka sa Wi-Fi.
  5. Isara at buksan ulit ang app.
    • Posibleng nasa iyong View ng mga larawan pa rin ang mga na-delete na larawan. Lokal na kopya lang ang mga larawang ito. Para tingnan ang status ng pag-back up ng larawan, i-tap ang larawan at pagkatapos ay Higit pa Higit pa. Mag-scroll pababa sa "Mga Detalye."

Para tiyaking hindi maba-back up ulit sa Google Photos ang iyong larawan o video at hindi made-delete ang lokal na kopya mo, hayaang naka-off ang pag-back up.

Mga Tip:

  • Kung hahayaan mong naka-off ang pag-back up, mawawala ang mga benepisyo ng pag-back up. Matuto pa tungkol sa mga benepisyo ng pag-back up.
  • Kung gusto mong ma-save ulit ang iyong mga larawan at video sa Google Account mo, puwede mong i-on ang pag-back up. Alamin kung paano i-on ang pag-back up.
  • Kung io-on mo ang pag-back up, kung minsan:
    • Posibleng ma-back up ulit ang na-delete na larawan o video kapag na-enable na ulit ang pag-back up.
    • Posibleng ma-delete ang kopya sa device ng na-delete na larawan o video kapag na-enable na ulit ang pag-back up.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
2334970923942544859
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
105394
false
false