Mag-delete ng mga larawan at video

Mananatili sa iyong trash sa loob ng 60 araw ang mga larawan at video na ide-delete mo bago
i-delete nang tuluyan ang mga ito. Hindi na mare-restore ang mga larawan at video na permanente nang na-delete. Alamin kung paano i-on ang pag-back up.

Bago ka mag-delete ng mga larawan at video

Alamin kung saan naaalis at hindi naaalis ang mga larawan at video

Ang mga item na ide-delete mo sa Google Photos ay maaalis din sa:

Ang mga item na ide-delete mo ay hindi awtomatikong maaalis sa:

  • Blogger
  • Drive
  • Gmail
  • Lokal na storage kapag na-download ang mga file sa mga iOS device, at sa ilang device sa Android 11 o mas bago.
  • YouTube

Mag-delete ng mga larawan at video

  1. Sa iyong computer, pumunta sa photos.google.com/login.
  2. Piliin ang larawan o video na gusto mong i-delete.
  3. Sa itaas, i-click ang Piliin Piliin.
  4. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang I-delete I-delete at pagkatapos ay Ilipat sa trash.
  5. Para mag-undo, sa ibaba, i-click ang I-undo.

Mga Tip:

  • Kung na-back up mo ang iyong larawan o video bago mo ito na-delete, mananatili ito sa iyong trash sa loob ng 60 araw.
  • May ilang larawang nakakatipid ng space kapag na-delete. Kung magde-delete ka ng larawang nakakatipid ng storage space sa iyong Google Account, posibleng makakuha ka ng pagtatantya ng nabakanteng storage.

Bakantehin ang iyong trash

Mahalaga: Kung may lumabas na prompt na "Permanenteng i-delete" kapag naglipat ka ng mga larawan at video sa trash, puno na ang trash mo. Puwede mong piliing i-delete nang permanente ang mga larawan at video na ito, pero kung gusto mong ma-restore pa ang mga larawan at video na ito, dapat mo munang bakantehin ang iyong trash. Kapag binakante mo ang iyong trash, permanente mong ide-delete ang anumang larawan at video sa trash mo, at hindi na mare-restore ang mga ito.

  1. Sa iyong computer, pumunta sa photos.google.com/login.
  2. I-click ang Trash I-delete.
  3. Sa itaas, i-click ang Bakantehin ang trash at pagkatapos ay Bakantehin ang Trash.

Permanenteng mag-delete ng mga larawan at video

  1. Sa iyong computer, pumunta sa photos.google.com/login.
  2. I-click ang Trash I-delete.
  3. Piliin ang larawan o video na gusto mong permanenteng i-delete.
  4. Sa itaas, i-click ang Piliin Piliin.
  5. Sa itaas, i-click ang Permanenteng i-delete at pagkatapos ay I-delete.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15061971545732250440
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
105394
false
false