Mag-edit ng mga larawan

Magdagdag ng mga filter, mag-crop ng mga larawan at marami pang iba, sa iyong mobile device o computer.

Tip: Kung naka-on ang mag-back up at mag-sync, magsi-sync ang iyong mga edit sa iyong library sa Google Photos.

Magsaayos, mag-crop, o mag-rotate ng larawan

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Google Photos app Photos.
  2. Buksan ang larawang gusto mong i-edit.
  3. I-tap ang I-edit I-edit.
    • Para magdagdag o magsaayos ng filter, i-tap ang Mga filter ng larawan Photo filters. I-tap para mag-apply ng filter, at muling i-tap para ayusin. 
    • Para manual na baguhin ang liwanag, kulay, o kaya ay magdagdag ng mga effect, i-tap ang I-edit I-edit. Para sa higit pang opsyon, i-tap ang Pababang arrow Pababang Arrow
    • Para i-crop o i-rotate, i-tap ang I-crop at i-rotate Crop & rotate. Para i-crop ang larawan, i-tap at i-drag ang mga gilid. 
    Tip: Habang nag-e-edit ka, pindutin nang matagal ang larawan para maihambing ang iyong mga edit sa orihinal.
  4. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang I-save.

Mailalapat ang iyong mga edit sa larawan, ngunit maaari mong i-undo ang mga ito anumang oras. 

Kung hindi naka-back up ang iyong mga larawan, mase-save ang mga edit bilang hiwalay na larawan.

Baguhin ang mga stamp ng petsa at oras

Para baguhin ang mga stamp ng petsa at oras ng isang larawan o video, buksan ang photos.google.com, at i-tap ang Computer sa itaas para sundin ang mga hakbang. 

Maaari mong baguhin ang mga stamp ng petsa at oras para sa mga larawan at video gamit ang isang computer. Kapag binago mo ang petsa at oras ng iyong larawan, ang na-edit na petsa at oras ang lalabas sa Google Photos. Ngunit kung ibabahagi mo ito sa iba pang app o ida-download ito, maaari nitong ipakita ang orihinal na petsa at oras na na-save ng iyong camera. 

Mag-undo ng mga edit

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Google Photos app Photos.
  2. Buksan ang larawang may mga edit na gusto mong alisin.
  3. I-tap ang I-edit I-edit pagkatapos ayHigit paHigit pa pagkatapos ay Mag-undo ng mga edit. 
  4. Kapag tapos ka na, i-tap ang I-save.

Si Brenna ay isang eksperto sa Google Photos at siya ang nagsulat ng page na ito. Tulungan siyang mapahusay ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng feedback sa ibaba.

Kapaki-pakinabang ba ang artikulong ito?
Paano namin mapapaganda ito?