Magbakante ng space sa iyong device

Puwede mong gamitin ang Google Photos para makatipid sa space sa iyong device kapag nag-delete ka ng mga larawang ligtas na naka-back up. Bago mo gamitin ang feature na ito, dapat mong tiyaking maayos mo nang na-back up ang iyong mga larawan. Alamin kung paano mag-back up ng mga larawan.

Bago ka magsimula

I-download at i-install ang Google Photos app.

Puwedeng panatilihin sa iyong device ang mga larawan at video na wala pang 30 araw. Mananatiling naka-back up ang mga ito sa iyong library sa Google Photos.

Mahalaga: Bago ka mag-delete ng iyong mga larawan, tiyaking naka-back up ang mga ito. Alamin kung paano mag-back up ng mga larawan.

Magbakante ng space sa iyong Android device

Mahalaga: Ide-delete ng feature na ito ang mga larawan mula sa iyong device.

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Photos app Photos.
  2. Mag-sign in sa iyong Google Account.
  3. I-tap ang larawan o inisyal sa profile ng iyong account at pagkatapos ay Magbakante ng space.
  4. Makikita mo kung gaano kalaking space ang mababakante. Para i-delete ang lahat ng item sa iyong telepono, i-tap ang Bakantehin.
  5. Para makita ang iyong mga larawan at video, pumunta sa photos.google.com o buksan ang Google Photos app Photos.

Para sa mga na-back up na larawan at video, gamitin ang tool sa pag-manage ng storage sa Photos para unahin nitong ipakita sa iyo ang mga item na posibleng gusto mong i-delete, gaya ng malalabong larawan, screenshot, at malalaking video. Alamin kung paano pamahalaan ang iyong storage.

Ang mangyayari kapag nag-alis ka ng mga larawan at video sa iyong telepono

Kung aalisin mo ang mga kopya ng mga larawan at video sa iyong Android device, made-delete ang mga ito, pero magagawa mo pa ring:

  • Makita ang iyong mga larawan at video, kasama ang mga inalis mo, sa Google Photos app at sa photos.google.com.
  • I-edit, ibahagi, i-delete at pamahalaan ang kahit anong laman ng iyong library sa Google Photos.

Hindi mo makikita ang mga larawan at video na inalis mo kung:

  • Gagamitin mo ang built-in na gallery ng iyong mobile device.
  • Offline ka.
  • Hindi ka naka-sign in sa Google Photos app Photos.

Mag-recover ng mga na-delete nang larawan

Mahalaga: Posibleng mag-iba ang mga hakbang na ito depende sa iyong device. Para sa higit pang tulong, makipag-ugnayan sa manufacturer ng iyong device.

Kung may na-delete kang item at gusto mo itong ibalik, tingnan ang iyong trash para malaman kung nandoon ito.

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang app na gallery ng larawan.
  2. Sa ibaba, i-tap ang Menu Menu.
  3. I-tap ang Trash.
  4. Piliin ang larawan o mga larawang gusto mong i-recover.

  5. Sa ibaba, i-tap ang I-restore. Babalik ang larawan o mga larawan sa gallery app ng iyong telepono.

Kung wala ang item sa iyong trash, posibleng permanente na itong na-delete.

Hindi makita ang larawan o video?

Kung wala sa iyong trash sa Google Photos o trash sa Gallery ang isang na-delete nang larawan o video, hindi mo ito mare-restore. Hindi mo mare-restore ang isang larawan kung:

  • Inilipat mo ito sa trash mahigit 60 araw na ang nakalipas.
  • Inilipat mo ito sa trash, pagkatapos ay inalisan mo ng laman ang iyong trash.
  • Inilipat mo ito sa trash mahigit 30 araw na ang nakakalipas sa isang device na gumagamit ng Android 11 at mas bago, at hindi ito na-back up.
  • Permanente mo itong na-delete sa iyong trash.
  • Permanente mo itong na-delete sa Gallery app ng iyong device, nang hindi muna ito bina-back up.

Para madaling makapaghanap at makapag-recover ng mga larawan, i-on ang backup at sync. Alamin kung paano mag-back up ng mga larawan.

Mahalaga:

 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
8915258123561370689
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
105394
false
false