Magbakante ng space sa iyong device

Puwede mong gamitin ang Google Photos para makatipid sa space sa iyong device kapag nag-delete ka ng mga larawang ligtas na naka-back up. Bago mo gamitin ang feature na ito, dapat mong tiyaking maayos mo nang na-back up ang iyong mga larawan. Alamin kung paano mag-back up ng mga larawan.

Bago ka magsimula

I-download at i-install ang Google Photos app.

Puwedeng i-delete ang mga larawan at video na mahigit 30 araw na, pero mananatiling naka-back up ang mga ito sa iyong library sa Google Photos.

Mahalaga: Bago ka mag-delete ng iyong mga larawan, tiyaking naka-back up ang mga ito. Alamin kung paano mag-back up ng mga larawan.

Magbakante ng space sa iyong iPhone o iPad

Mahalaga: Ide-delete ng feature na ito ang mga larawan mula sa iyong device.

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Photos app Photos.
  2. Mag-sign in sa iyong Google Account.
  3. I-tap ang larawan o inisyal sa profile ng iyong account at pagkatapos ay # (na) item ang ide-delete sa device na ito .
  4. Kung handa ka nang magbakante ng space, i-tap ang I-delete ang # (na) item.
  5. Buksan ang iPhone o iPad Photos app (hindi ang Google Photos app).
  6. I-tap ang Recently Deleted at i-delete ang mga nasabing larawan at video.
  7. Para makita ang iyong mga larawan at video, pati ang mga na-delete mo na sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Photos app Photos.

Para sa mga na-back up na larawan at video, gamitin ang tool sa pag-manage ng storage sa Photos para unahin nitong ipakita sa iyo ang mga item na posibleng gusto mong i-delete, gaya ng malalabong larawan, screenshot, at malalaking video. Alamin kung paano pamahalaan ang iyong storage.

Ang mangyayari kapag nag-alis ka ng mga larawan at video sa iyong telepono

Kung aalisin mo ang mga kopya ng mga larawan at video sa iyong telepono, made-delete ang mga ito, pero magagawa mo pa ring:

  • Makita ang iyong mga larawan at video, kasama ang mga inalis mo, sa Google Photos app at sa photos.google.com.
  • I-edit, ibahagi, i-delete at pamahalaan ang kahit anong laman ng iyong library sa Google Photos.

Hindi mo makikita ang mga larawan at video na inalis mo kung:

  • Gagamitin mo ang Apple Photos app.
  • Offline ka.
  • Hindi ka naka-sign in sa Google Photos app Photos.

Mag-recover ng mga na-delete nang larawan

Mahalaga: Posibleng mag-iba ang mga hakbang na ito depende sa iyong device. Para sa higit pang tulong, makipag-ugnayan sa manufacturer ng iyong device.

Kung may na-delete kang item at gusto mo itong ibalik, tingnan ang iyong album na Recently Deleted para malaman kung nandoon ito.

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Apple Photos app.
  2. Buksan ang album na Recently Deleted.
  3. Piliin ang larawan o mga larawang gusto mong i-recover.
  4. I-tap ang Recover. Babalik ang larawan o mga larawan sa gallery app ng iyong telepono.

Kung wala ang item sa iyong album na Recently Deleted, posibleng permanente na itong na-delete.

Hindi makita ang larawan o video?

Kung wala sa iyong trash sa Google Photos o trash sa Gallery ang isang na-delete nang larawan o video, hindi mo ito mare-restore. Hindi mo mare-restore ang isang larawan kung:

  • Inilipat mo ito sa trash mahigit 60 araw na ang nakalipas.
  • Inilipat mo ito sa trash, pagkatapos ay inalisan mo ng laman ang iyong trash.
  • Inilipat mo ito sa trash mahigit 30 araw na ang nakalipas, at hindi ito na-back up.
  • Permanente mo itong na-delete sa iyong trash.
  • Permanente mo itong na-delete sa Gallery app ng iyong device, nang hindi muna ito bina-back up.

Para madaling makapaghanap at makapag-recover ng mga larawan, i-on ang backup at sync. Alamin kung paano mag-back up ng mga larawan.

Mahalaga:

 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
11257607674372614754
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
105394
false
false