Puwede mong gamitin ang Google Photos para makatipid sa space sa iyong device kapag nag-delete ka ng mga larawang ligtas na naka-back up. Bago mo gamitin ang feature na ito, dapat mong tiyaking maayos mo nang na-back up ang iyong mga larawan. Alamin kung paano mag-back up ng mga larawan.
Bago ka magsimula
I-download at i-install ang Google Photos app.
Puwedeng panatilihin sa iyong device ang mga larawan at video na wala pang 30 araw. Mananatiling naka-back up ang mga ito sa iyong library sa Google Photos.
Mahalaga: Bago ka mag-delete ng iyong mga larawan, tiyaking naka-back up ang mga ito. Alamin kung paano mag-back up ng mga larawan.
Magbakante ng space sa iyong Android device
Mahalaga: Ide-delete ng feature na ito ang mga larawan mula sa iyong device.
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Photos app .
- Mag-sign in sa iyong Google Account.
- I-tap ang larawan o inisyal sa profile ng iyong account Magbakante ng space.
- Makikita mo kung gaano kalaking space ang mababakante. Para i-delete ang lahat ng item sa iyong telepono, i-tap ang Bakantehin.
- Para makita ang iyong mga larawan at video, pumunta sa photos.google.com o buksan ang Google Photos app .
Para sa mga na-back up na larawan at video, gamitin ang tool sa pag-manage ng storage sa Photos para unahin nitong ipakita sa iyo ang mga item na posibleng gusto mong i-delete, gaya ng malalabong larawan, screenshot, at malalaking video. Alamin kung paano pamahalaan ang iyong storage.
Ang mangyayari kapag nag-alis ka ng mga larawan at video sa iyong telepono
Kung aalisin mo ang mga kopya ng mga larawan at video sa iyong Android device, made-delete ang mga ito, pero magagawa mo pa ring:
- Makita ang iyong mga larawan at video, kasama ang mga inalis mo, sa Google Photos app at sa photos.google.com.
- I-edit, ibahagi, i-delete at pamahalaan ang kahit anong laman ng iyong library sa Google Photos.
Hindi mo makikita ang mga larawan at video na inalis mo kung:
- Gagamitin mo ang built-in na gallery ng iyong mobile device.
- Offline ka.
- Hindi ka naka-sign in sa Google Photos app .
Mag-recover ng mga na-delete nang larawan
Mahalaga: Posibleng mag-iba ang mga hakbang na ito depende sa iyong device. Para sa higit pang tulong, makipag-ugnayan sa manufacturer ng iyong device.
Kung may na-delete kang item at gusto mo itong ibalik, tingnan ang iyong trash para malaman kung nandoon ito.
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang app na gallery ng larawan.
- Sa ibaba, i-tap ang Menu .
- I-tap ang Trash.
-
Piliin ang larawan o mga larawang gusto mong i-recover.
- Sa ibaba, i-tap ang I-restore. Babalik ang larawan o mga larawan sa gallery app ng iyong telepono.
Kung wala ang item sa iyong trash, posibleng permanente na itong na-delete.
Hindi makita ang larawan o video?
Kung wala sa iyong trash sa Google Photos o trash sa Gallery ang isang na-delete nang larawan o video, hindi mo ito mare-restore. Hindi mo mare-restore ang isang larawan kung:
- Inilipat mo ito sa trash mahigit 60 araw na ang nakalipas.
- Inilipat mo ito sa trash, pagkatapos ay inalisan mo ng laman ang iyong trash.
- Inilipat mo ito sa trash mahigit 30 araw na ang nakakalipas sa isang device na gumagamit ng Android 11 at mas bago, at hindi ito na-back up.
- Permanente mo itong na-delete sa iyong trash.
- Permanente mo itong na-delete sa Gallery app ng iyong device, nang hindi muna ito bina-back up.
Para madaling makapaghanap at makapag-recover ng mga larawan, i-on ang backup at sync. Alamin kung paano mag-back up ng mga larawan.
Mahalaga:
- Kung hindi ka magiging aktibo sa Google Photos nang 2 taon o higit pa, posibleng ma-delete ang iyong content. Matuto tungkol sa patakaran sa pagiging hindi aktibo ng Google Photos.
- Kung lalampas ka sa iyong limitasyon sa storage nang 2 taon o higit pa, posibleng ma-delete ang iyong content. Alamin pa kung paano gumagana ang iyong storage sa Google.