Matuto pa tungkol sa mga High Dynamic Range (HDR) na larawan

Gamit ang High Dynamic Range (HDR), makakapag-capture ka ng mga larawan nang may higit na detalye na mas malapit sa kung ano ang nakikita ng mata ng tao sa totoong mundo. Baka hindi posible ang ganitong antas ng detalye sa mga Standard Dynamic Range (SDR) na larawan. Ang mga HDR na larawan ay nagka-capture ng higit sa mga detalye sa mga pinakamadilim o pinakamaliwanag na lugar para makagawa ng mga larawang mas makatotohanan.

Para magpakita ng mga larawan sa HDR, kailangan mo ng compatible na device. Posible ang mga HDR na larawan sa mga display na may higit sa 1000 nit ng liwanag. Suriin ang mga detalye ng iyong device para sa compatibility.

Mahalaga: Sinusuportahan ng Google Photos ang format ng imahena Ultra HDR.

Ipakita ang iyong mga larawan sa HDR

Mahalaga: Kung available sa HDR ang iyong mga itinatampok na alaala, ipapakita ang mga ito sa HDR sa carousel ng mga itinatampok na alaala sa itaas ng iyong screen. Matuto pa tungkol sa mga itinatampok na alaala.

Sa pangunahing grid ng mga larawan, lalabas ang lahat ng larawan at video bilang mga thumbnail sa SDR. Para ipakita ang mga larawang kinuha gamit ang HDR sa buong detalye:

  1. Sa iyong computer, buksan ang photos.google.com.
  2. I-click ang larawang gusto mo.

Tip: Ipapakita pa rin ang ilang larawan sa SDR. Unawain kung bakit hindi ipinapakita ang ilang larawan sa HDR.

Matuto pa tungkol sa mga HDR na larawan

Unawain kung bakit hindi ipinapakita ang ilang larawan sa HDR
  • Ang mga larawang kinuha sa SDR ay palaging ipapakita sa SDR.
  • Kung hindi sinusuportahan ng iyong device at screen ang HDR, ipapakita ang mga larawang ito sa SDR.

Tip: Kung iba ang hitsura ng iyong larawan sa web kaysa sa ibang device, subukang i-on ang setting ng HDR sa mga setting ng system display mo.

Alamin kung paano gumagana ang pag-back up para sa mga HDR na larawan
Mula sa iyong computer, puwede mong i-back up ang mga HDR na larawan. Pinapanatili ng mga na-back up na larawan ang lahat ng setting ng HDR para sa lahat ng uri ng kalidad ng pag-back up. Matuto kung paano mag-back up ng mga larawan at video.
Alamin kung ano ang mangyayari kapag na-edit mo ang mga HDR na larawan

Kung mag-e-edit ka ng HDR na larawan, puwedeng manatili ang larawan sa HDR kapag na-save mo ang iyong mga pag-edit.

Tip: Ilang pag-edit lang sa mga HDR na larawan ang sinusuportahan. Kung nawala ang mga setting ng HDR ng isang larawan nang dahil sa pag-edit, mase-save ang mga na-edit na HDR na larawan bilagn SDR.

Matuto kung paano i-edit ang iyong mga larawan.

Alamin kung ano ang mangyayari sa mga HDR na larawan sa mga paggawa tulad ng mga video ng mga highlight

Kung pipili ka ng mga pinaghalong HDR at SDR na larawan o video:

  • Ipinapakita at ginagamit ng editor ng video ng mga highlight ang mga pinili mo bilang SDR.
  • Nase-save ang video ng mga highlight bilang SDR.

Tip: May ilang paggawang hindi available sa HDR. Matuto pa tungkol sa mga paggawa.

Mga kaugnay na resource

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
14236900618102495736
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
105394
false
false