I-edit ang iyong mga larawan at video gamit ang Google Photos Android app sa Chromebook mo

Puwede mong gamitin ang Android app ng Google Photos sa iyong Chromebook para i-edit ang iyong mga larawan at video, at gumawa ng mga video ng mga highlight.

Mahalaga:

Mag-edit at magpaganda ng larawan o video

Mahalaga: Ang ilang feature, gaya ng Magic Editor, Magic Eraser, at I-unblur, ay available lang para sa mga user ng Chromebook Plus sa Google Photos Android app. Matuto pa tungkol sa mga feature ng pag-edit na available sa Chromebook Plus.

  1. Sa iyong Chromebook, buksan ang Google Photos app Photos.
  2. Piliin ang larawan o video na gusto mong i-edit.
  3. Piliin ang I-edit .
  4. Pumili ng tool sa pag-edit na gagamitin sa iyong larawan o video. Posibleng kabilang sa ilan sa mga feature ang:
    • Mga Suhestyon : Nag-aalok ng mga suhestyon para sa mga advanced na tool sa pag-edit gaya ng Portrait at Color Pop.
    • Mga Tool : Pumili sa iba pang tool sa pag-edit gaya ng Portrait blur at Sky.
    • Mag-adjust : Manual na mag-apply ng mga mas detalyadong pag-edit gaya ng Brightness, Contrast, at Mga Shadow.
    • Mga Filter I-filter: Mag-apply ng mga preset na filter para bigyang-buhay ang iyong mga larawan o video.
    • Markup : Manual na maglagay ng sulat-kamay o text sa iyong mga larawan.
  5. Kapag tapos na, sa itaas, i-click ang I-save. Ise-save nito ang pinakabagong bersyong may mga bagong pag-edit, at io-overwrite nito ang orihinal na file.

Tip: Kung hindi mo makita ang mga karagdagang tool sa pag-edit na tulad ng Magic eraser :

  1. Tiyaking nakakonekta ka sa Wi-Fi at may available kang storage ng device.
  2. Sa Google Photos, pumili ng larawan at piliin ang I-edit . Posibleng makakuha ka ng notification sa pag-update.
  3. Pagkalipas ng ilang minuto, isara at buksan ulit ang app.
  4. Para tingnan ulit ang iyong mga tool sa pag-edit, pumili ng larawan at piliin ang I-edit .

Para tingnan ulit ang iyong mga tool sa pag-edit, pumili ng larawan at piliin ang I-edit .

Mga available na feature sa pag-edit

Kabilang sa ilang feature ng pag-edit sa Google Photos ang:

  • Para i-adjust ang posisyon at liwanag ng mga portrait ng isang tao, piliin ang Portrait light .
  • Para i-adjust ang pag-blur ng background, piliin ang I-blur .
    • Para i-adjust kung anong mga sakop ng larawan mo ang ibu-blur sa halip na naka-focus, puwede mo ring gamitin ang Lalim .
  • Para pumili sa ilang palette at i-adjust ang kulay at contrast sa kalangitan, piliin ang Kalangitan .
  • Para i-desaturate ang background, pero panatilihing may kulay ang foreground, piliin ang Color focus .
  • Para pagandahin ang liwanag at contrast sa buong larawan para sa mas balanseng larawan, piliin ang HDR .

Tip: Makakagamit ka ng mas marami pang feature ng pag-edit. Matuto pa tungkol sa pag-edit ng iyong mga larawan at video.

Gumawa ng cinematic na larawan
  1. Sa Chromebook Plus, buksan ang Photos Photos.
  2. Piliin ang Mga Utility.
  3. Sa ilalim ng "Gumawa ng bago," piliin ang Cinematic na larawan.
  4. Pumili ng larawan.
  5. Sa ibaba, piliin ang I-save
Gumawa at mag-edit ng mga collage sa Google Photos

Puwede kang gumawa at mag-edit ng mga collage gamit ang mga larawan sa iyong library sa Google Photos app o sa web. Para i-edit ang iyong mga collage sa mobile device mo, gamitin ang Google Photos app. Hindi available sa web ang ilang feature.

Hakbang 1: Piliin ang mga larawan mo

  1. Sa iyong Chromebook, buksan ang Google Photos app Photos.
  2. Pumili ng hanggang 6 na larawan
  3. Sa ibaba, piliin ang Idagdag sa Gumawa at pagkatapos ay Collage.

Hakbang 2: Pumili ng disenyo at i-edit ang mga larawan mo

Bago ka mag-save, puwede mong palitan, i-edit, i-rotate, i-resize, at baguhin ang pagkakasunod-sunod ng mga larawan sa iyong collage.

  1. Pumili ng disenyo ng collage.
  2. I-edit ang mga larawan mo.
    • Para magpalit ng larawan:
      1. Piliin ang larawan na gusto mong palitan at pagkatapos ay Palitan.
      2. Pumili ng bagong larawan.
      3. Piliin ang Tapos na.
    • Para mag-edit ng larawan, piliin ang larawan na gusto mong i-edit at pagkatapos ay I-edit.
    • Para mag-rotate ng larawan:
      1. Pindutin nang matagal ang larawan.
      2. Ipihit hanggang sa mapunta ang larawan sa posisyong gusto mo.
    • Para mag-zoom in o mag-zoom out sa isang photo frame, mag-pinch pasara para mag-zoom out at mag-pinch pabukas para mag-zoom in.
    • Para baguhin ang pagkakasunod-sunod ng mga larawan, pindutin nang matagal at pagkatapos ay i-drag ang larawan sa posisyon kung saan mo ito gusto.

Hakbang 3: Tingnan at i-save ang iyong collage

Kapag nakapili ka na ng layout ng collage at nakagawa ka na ng anumang pag-edit sa iyong mga larawan, para i-save ang collage mo, piliin ang I-save.

Hakbang 4: Hanapin ang iyong mga collage

  1. Sa iyong Chromebook, buksan ang Google Photos Photos.
  2. Sa ibaba, piliin ang Maghanap .
  3. Sa ilalim ng “Mga Paggawa,” piliin ang Mga na-save na paggawa.

Gumawa ng video ng mga highlight.

  1. Sa iyong Chromebook, buksan ang Google Photos app Photos.
  2. Piliin ang Mga Paggawa .
  3. Piliin ang Gumawa ng bago Idagdag at pagkatapos ay Pelikula .
    • Para sa iminumungkahing video ng mga highlight, pumili ng opsyonal na preset na tema.
    • O i-click ang Bagong pelikula at piliin ang mga larawan at video na gusto mong isama.

Tip: Para gumawa ng mga video ng mga highlight, puwede mo ring buksan ang Launcher at hanapin ang “pelikula.”

Magdagdag ng mga larawan o video sa iyong video ng mga highlight

Sa ibaba ng iyong screen, makikita mo ang storyboard ng iyong video ng mga highlight. Sa storyboard, puwede kang magdagdag ng mga larawan o video clip, at mag-drag at mag-drop para isaayos ang mga ito.

  1. Piliin ang Magdagdag Idagdag.
  2. Pumili ng bagong larawan o video .
Mag-edit ng mga larawan at video sa iyong video ng mga highlight
  1. Mag-tap sa clip para piliin ang larawan o video.
  2. Piliin ang tool na gusto mong gamitin sa panel ng Pag-edit. Maa-apply ang mga pagbabago habang gumagawa ka.
  3. Para isara ang panel ng pag-edit, pindutin ang .
Magdagdag ng musika sa iyong video ng mga highlight
  1. Piliin ang Magdagdag Idagdag.
  2. Sa itaas, piliin ang Magdagdag ng soundtrack.
  3. Piliin ang Mga Musika ko o Theme music.
    • Para magdagdag ng musika mula sa iyong personal na library, piliin ang Mga Musika ko.
    • Para magdagdag ng musikang available sa library ng Soundtrack ng app, piliin ang Theme music.
  4. Piliin ang musikang gusto mong idagdag.

May mga karagdagang feature na available sa Chromebook Plus

Kung may Chromebook Plus ka, makakagamit ka ng mga karagdagang feature ng pag-edit.

Magic Editor
Mahalaga:
  • Dapat ay Chromebook Plus na may ChromeOS bersyon 125+ ang iyong device.
  • Pang-eksperimento ang feature na ito at posibleng hindi ito palaging gumana kung paano mo inaasahan.
  • Makakagamit ang mga user ng Chromebook Plus ng Magic Editor na may walang limitasyong pag-save.

Puwede mong igalaw-galaw o burahin ang ilang bahagi ng isang larawan at puwede kang maglapat ng mga preset ayon sa konteksto tulad ng "Kalangitan" o "Golden hour."

Mag-edit ng larawan gamit ang Magic Editor

  1. Sa iyong Chromebook, buksan ang Google Photos app Photos.
  2. Mag-tap sa larawang gusto mong i-edit.
  3. I-tap ang I-edit Isaayos ang volume at pagkatapos ay Magic Editor.

Maglapat ng mga preset ayon sa konteksto

  1. Kapag nasa Magic Editor mode ka, i-tap ang Preset Edit Fix Auto.
  2. Pumili ng preset.
  3. Para mag-scroll sa iyong mga opsyon, mag-swipe pakaliwa.
  4. I-tap ang Checkmark Done.
  5. Kung gusto mong patuloy na i-edit ang iyong larawan, ulitin ang hakbang 1 hanggang 3.
  6. Kapag tapos ka na sa iyong pag-edit, i-tap ang Mag-save ng kopya.

Tip: Nakadepende sa iyong larawan ang mga opsyon sa preset. Hindi available ang lahat ng opsyon nang magkakasabay.

Maggalaw, magbura, o mag-resize ng isang bahagi ng iyong larawan

  1. Kapag nasa Magic Editor mode ka, mag-tap, gumuhit ng bilog, o mag-brush para pumili ng bahagi ng iyong larawan.
    1. Mag-zoom in para maging mas tumpak.
    2. Para ilipat ang iyong pinili, pumindot nang matagal at i-drag ito sa bahaging gusto mo.
    3. Para baguhin ang laki ng iyong pinili, pindutin nang matagal ang Shift key at:
      1. Pindutin ang + sa iyong keyboard para palakihin ang pinili.
      2. Pinduin ang - sa iyong keyboard para paliitin ang pinili.
    4. Para alisin ang pinili mo, i-tap ang Burahin.
  2. Para ilapat ang pag-edit, i-tap ang Checkmark Done.
  3. Kung gusto mong patuloy na i-edit ang iyong larawan, ulitin ang hakbang 1 at 2.
  4. Kapag tapos ka na sa iyong pag-edit, i-tap ang Mag-save ng kopya.

Tip: Posibleng magtagal bago makabuo ng mga opsyon sa larawan ang Magic Editor.

Magic Eraser
Mahalaga: Dapat ay Chromebook Plus na may bersyon 118+ ng ChromeOS ang iyong device.
  1. Sa Photos Android app, pumunta sa larawang gusto mong i-edit.
  2. I-tap ang I-edit at pagkatapos ay Mga Tool at pagkatapos ay Magic eraser.
  3. Mag-tap ng suhestyon. Puwede mo ring gamitin ang bilog o brush para magbura pa ng mga hindi dapat kasama sa larawan.
  4. Para mag-blend in ng mga bagay sa larawan, i-tap ang Camouflage at gamitin ang brush.
  5. Para tapusin, i-tap ang Tapos na.
I-unblur
Mapapaganda mo ang iyong malalabong larawan gamit ang I-unblur.
  1. Buksan ang Google Photos app Photos.
  2. Piliin ang larawang gusto mong i-edit.
  3. I-tap ang I-edit ang larawan Isaayos ang volume at pagkatapos ay Mga Tool at pagkatapos ay I-unblur.

Tip: Magagamit mo ang Photo Unblur sa mga bagong larawan o mas lumang larawan sa iyong library ng larawan.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15157813413947135137
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
105394
false
false