Gamitin ang app na Telepono para mag-record ng mga tawag

Magagamit mo ang iyong app na Telepono para:

  • Palaging i-record ang mga tawag mula sa mga hindi alam na numero.
  • Palaging i-record ang mga tawag mula sa mga napiling contact.
  • I-record ang indibidwal na tawag.
Mga Tip:
  • Puwede mong i-playback ang mga naka-save na recording at baguhin din ang tagal ng pagpapanatili sa mga na-record na tawag.
  • Makikita mo kapag aktibo ang pag-record ng tawag gamit ang indicator ng pag-record ng tawag.

Mahalaga: Ilang partikular na device at carrier lang ang sumusuporta sa pag-record ng mga tawag. Hindi available ang feature na ito sa Pixel. Nire-require ng ilang batas na magbigay ng pahintulot sa pag-record ang lahat ng tao sa tawag. Bago magsimula ang tawag, aabisuhan ang mga kalahok sa tawag na nire-record ang tawag.

Para i-record ang iyong mga tawag sa telepono:

  • Gumagamit dapat ng Android 9 at mas bago ang iyong device.
  • Kailangang mayroon ka ng pinakabagong bersyon ng app na Telepono.
  • Dapat ay nasa bansa o rehiyon ka kung saan sinusuportahan ang pag-record ng tawag. Malawakang available ang pag-record ng tawag, pero hindi sa lahat ng bansa o rehiyon. Magkakaiba ang mga feature batay sa iyong bansa o rehiyon.

I-on ang “Palaging i-record” para sa mga hindi alam na numero

Mahalaga: Ikaw ang bahalang sumunod sa lahat ng batas sa pag-record ng mga pag-uusap sa telepono. Gamitin ang pag-record ng tawag sa responsableng paraan at i-on lang ito kapag kinakailangan. Sa kasalukuyan, available lang ang awtomatikong pag-record ng tawag sa India.
  1. Sa iyong Android device, buksan ang app na Telepono .
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pang opsyon Higit pa at pagkatapos ay Mga Setting at pagkatapos ay Pag-record ng tawag.
  3. Sa ilalim ng “Palaging i-record,” i-on ang Mga numerong wala sa iyong mga contact.
  4. I-tap ang Palaging i-record.

I-on ang “Palaging i-record” para sa mga piling contact

Mahalaga: Ikaw ang bahalang sumunod sa lahat ng batas sa pag-record ng mga pag-uusap sa telepono. Gamitin ang pag-record ng tawag sa responsableng paraan at i-on lang ito kapag kinakailangan. Sa kasalukuyan, available lang ang awtomatikong pag-record ng tawag sa India.
  1. Sa iyong Android device, buksan ang app na Telepono .
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pang opsyon Higit pa at pagkatapos ay Mga Setting at pagkatapos ay Pag-record ng tawag.
  3. Sa ilalim ng “Palaging i-record,” i-tap ang Mga napiling numero.
  4. I-on ang Palaging i-record ang mga napiling numero.
  5. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Magdagdag Magdagdag.
  6. Pumili ng contact.
  7. I-tap ang Palaging i-record.
  8. (Opsyonal): Ulitin ang mga hakbang na ito para sa bawat contact na gusto mong i-record.
Tip: Puwede mo ring buksan ang contact para i-on ang pag-record ng tawag. Sa kanang bahagi sa ibaba ng contact card, i-tap ang I-edit ang contact at pagkatapos ay Palaging i-record ang mga tawag.

Magsimula ng recording mula sa isang tawag

Mahalaga: Sa unang beses na magre-record ka ng tawag, papayuhan kang dapat kang sumunod sa mga lokal na batas na nauugnay sa pag-record ng mga tawag. Kinakailangan sa maraming hurisdiksyon ang pahintulot ng lahat ng partido para mag-record ng tawag.

Para maprotektahan ang privacy ng lahat ng user, kapag nagsimula kang mag-record, aabisuhan ang parehong partido sa pamamagitan ng isang paghahayag na nire-record ang tawag. Kapag hininto mo ang pag-record, aabisuhan ang parehong partido sa pamamagitan ng isang paghahayag na hindi na nire-record ang tawag.

  1. Buksan ang app na Telepono .
  2. Tumawag o tumanggap ng tawag.
  3. Para i-record ang iyong tawag, sa kasalukuyang call screen, i-tap ang I-record I-record
  4. Para ihinto ang pag-record, i-tap ang Ihinto ang pag-record Ihinto ang pag-record.

Tandaan

Mahalaga: Kapag nag-delete ang isang user ng log ng tawag, made-delete din ang pag-record ng tawag.

Hindi ka puwedeng mag-record ng kasalukuyang tawag:

  • Hanggang masagot ang tawag
  • Kung naka-hold ang tawag
  • Kapag nakipag-conference call ka

Maghanap ng na-record na tawag

Para panatilihing pribado ang iyong mga recording, sino-store ang mga ito sa device mo. Hindi sine-save o bina-back up ang mga tawag sa labas ng device.

Para hanapin ang iyong recording:

  1. Buksan ang app na Telepono .
  2. I-tap ang Mga Kamakailan Mga Kamakailan.
  3. Mag-tap sa tumatawag na na-record mo.
    • Kung na-record mo ang pinakahuling tawag: Pumunta sa player sa screen na "Mga Kamakailan".
    • Kung nag-record ka ng nakaraang tawag: I-tap ang History. Pagkatapos ay piliin ang recording sa listahan ng mga tawag.
  4. I-tap ang I-play I-play.
  5. Opsyonal: Para magbahagi ng na-record na tawag, i-tap ang Ibahagi Blue share.

Tip: Puwede kang magbahagi ng mga na-record na tawag sa mga sinusuportahang app, gaya ng mga email app o app sa pagmemensahe.

Itakda kung gaano katagal pananatilihin ang mga na-record na tawag

Mahalaga: Ikaw ang bahalang sumunod sa lahat ng batas sa pag-record ng mga pag-uusap sa telepono. Gamitin ang pag-record ng tawag sa responsableng paraan at i-on lang ito kapag kinakailangan. Sa kasalukuyan, available lang ang awtomatikong pag-record ng tawag sa India.
  1. Sa iyong Android device, buksan ang app na Telepono .
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pang opsyon Higit pa at pagkatapos ay Mga Setting at pagkatapos ay Pag-record ng tawag.
  3. Sa ilalim ng “Mga Recording,” i-tap ang I-delete ang mga recording.
  4. Itakda kung gaano katagal mo gustong panatilihin ang na-record na tawag bago ito awtomatikong ma-delete.
  5. I-tap ang Kumpirmahin.
Opsyonal: Para i-delete ang lahat ng recording, i-tap ang I-delete ang lahat ng recording ngayon at pagkatapos ay I-delete.

Mag-delete ng na-record na tawag

Mahalaga: Ikaw ang bahalang sumunod sa lahat ng batas sa pag-record ng mga pag-uusap sa telepono. Gamitin ang pag-record ng tawag sa responsableng paraan at i-on lang ito kapag kinakailangan. Sa kasalukuyan, available lang ang awtomatikong pag-record ng tawag sa India.
  1. Buksan ang app na Telepono .
  2. I-tap ang Mga Kamakailan Mga Kamakailan.
  3. Hanapin ang numero o contact ng na-record na tawag na gusto mong i-delete.
  4. I-tap ang History.
  5. Sa listahan ng mga tawag, hanapin ang recording at mag-swipe pakaliwa.
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16476078324652576816
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
97205
false
false