Gumamit ng emoji na audio sa app na Telepono

Puwede kang magpahayag ng mga emosyon gamit ang audio kapag tumawag ka sa ibang user ng Pixel. Gamit ang pamilyar na wika ng mga emoji, puwede mong ipahayag ang iyong mga nararamdaman. Para mas magbigay-buhay sa iyong tawag, puwede mong piliin ang party popper, poop emoji, malungkot na trombone, drum, at palakpakan.

Para mapahusay ang experience sa pagtawag, nagsasama ang emoji na audio ng mga natatangi at nakakatuwang sound effect. Nati-trigger ito ng mga pamilyar na button ng emoji na naa-access habang nasa tawag. Nag-aalok sa mga user ang mga sound effect na ito ng paraan ng entertainment para magpahayag at sumagot sa mga pag-uusap sa masaya at makabagong paraan.

Magpadala ng emoji na audio habang tumatawag sa telepono

Mahalaga: Kailangan ng feature na ito na gumagamit ang tumatawag at tumatanggap ng tawag ng mga compatible na Pixel phone. Available lang ito sa English sa Pixel 6 at mga mas bagong Pixel phone, maliban sa Pixel Fold.

Para magpadala ng emoji na audio:

  1. I-tap ang chip habang nasa tawag para ipakita ang mga available na emoji na audio.
  2. Mag-tap ng emoji na audio para ipadala.

Tip: Bilang default, naka-enable ang "Emoji na Audio."

I-off ang feature na emoji na audio

  1. Sa iyong Pixel phone, buksan ang app na Telepono .
  2. I-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mga Setting.
  3. Sa “Pangkalahatan,” i-tap ang Emoji na Audio.
  4. I-off ang Emoji na Audio.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
4478817097664112999
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
97205
false
false