Pagkansela ng mga subscription ng customer

Makakansela lang ang mga subscription sa Google Play sa pamamagitan ng Google Play Developer Console.

Makakansela ang mga subscription sa Chrome Web Store sa pamamagitan ng iyong profile sa pagbabayad

Narito kung paano kanselahin ang subscription sa Chrome Web Store:

  1. Mag-sign in sa profile sa mga pagbabayad.
  2. I-click ang Mga order ng customer.
  3. I-click ang linya ng anumang subscription na gusto mong kanselahin.
  4. Sa panel na bubukas, i-click ang Kanselahin ang subscription, o mag-scroll pababa at i-click ang Tingnan ang buong page para makita ang history ng order ng customer at higit pang detalye.
  5. Sa susunod na screen, i-click muli ang Kanselahin ang subscription.
  6. I-click ang Pababang arrow Pababang arrow at piliin ang naaangkop na dahilan ng pag-refund para sa kinanselang subscription.
  7. Magdagdag ng mensahe sa customer, kung kinakailangan. Lalabas ang mga komentong ito sa profile ng customer.
    Tandaan: Para protektahan ang kanilang privacy at seguridad, hindi namin ibinibigay sa mga merchant ang mga email ng customer o iba pang impormasyon sa pakikikpag-ugnayan, kaya pagbibigay lang ng mga komento ang paraan para makipag-ugnayan sa mga customer maliban kung direkta silang makipag-ugnayan sa iyo.   
  8. I-click ang Kanselahin ang subscription para makumpleto.

Kung kailangan mo ng tulong, makipag-ugnayan sa amin.

Tandaan: Ang mga merchant ang nagtatalaga ng sarili nilang mga patakaran sa pagkansela. Para humiling ng mga pagkansela, direktang nakikipag-ugnayan ang mga customer sa mga merchant.

Mga tip sa pagkansela

Kapag nagkansela ka ng subscription, tandaan ang mga sumusunod:

  • Pagkatapos mong magkansela ng subscription, wala nang order sa hinaharap ang sisingilin.
  • Makakakita ka ng nakanselang status ng order sa page ng mga detalye ng order.
  • Pagkatapos mong magkansela ng subscription, maaari mo itong i-restart.
  • Magpapadala ang Google ng email sa customer para ipaalam sa kanya na nakansela ang kanyang subscription.
Maaaring kanselahin ng mga customer ng Google Play Store ang mga sarili nilang mga order sa loob ng 2 oras mula sa pagbili. Pagkatapos niyang magkansela ng order, hindi magagamit ng customer ang biniling app sa kanyang device, at makakakita siya ng pagkansela sa page na "Mga order ng customer" ng kanyang profile sa mga pagbabayad. Matuto pa tungkol sa mga pag-refund at pagbalik.
true
Mga update sa center sa mga pagbabayad

Welcome sa bagong karanasan sa tulong para sa center sa mga pagbabayad ng Google! Makakakuha ka na ng suporta para sa mga nagbebenta at consumer sa negosyo sa iisang lugar. Matuto pa tungkol sa kung ano ang bago.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
11117684959038091220
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633573
false
false