Notification

Available na ang RCS para sa pag-text sa pagitan ng Android at mga iPhone. Alamin kung paano i-on ang mga RCS chat sa iyong Android phone (link).

Mag-ulat ng spam sa Google Messages

Kapag iniulat mo ang isang pag-uusap bilang spam, bina-block mo rin ang sender at inililipat mo ang mensahe sa iyong folder na "Spam at naka-block." Puwede ring suriin ng mga empleyado at contractor ng Google ang iyong impormasyon ng spam para mapahusay ang proteksyon ng Google laban sa spam at pang-aabuso para sa Google Messages at iba pang produkto at serbisyo ng Google. Ginagamit din ang mga naiulat na pag-uusap para magsanay ng mga modelo ng AI para pahusayin ang proteksyon laban sa spam at pang-aabuso.

Kapag nag-ulat ka ng spam:
  • Iuulat sa Google ang numero ng telepono ng spammer.
  • Makakatanggap ang Google ng kopya ng huling 10 papasok na mensahe mula sa spammer para mapahusay namin ang pag-detect ng spam. Sa panggrupong pag-uusap, posibleng may kasama ritong mga mensahe mula sa mga user maliban pa sa spammer:
    • Nakalagay sa bawat iuulat na mensahe ang numero ng telepono ng nagpadala at timestamp ng mensahe.
    • May pantukoy na RCS Message ID ang bawat iuulat na mensaheng ipapadala sa pamamagitan ng Rich Communication Services (RCS).
    • May RCS Group ID ang bawat iuulat na panggrupong pag-uusap sa pamamagitan ng RCS.
    • Nakalagay sa bawat iuulat na mensahe ang pangalan ng grupo ng pag-uusap.
    • Nakalagay sa bawat iuulat na mensahe ang mga pangalan ng profile at numero ng telepono ng lahat ng remote na user na nasa pag-uusap maliban sa user na nagpadala ng ulat.
  • Iuulat sa Google ang iyong country code batay sa SIM card at IP.
  • Hindi ipapadala sa Google ang mga dati mong sagot sa spammer.
  • Hindi ili-link ang iyong pangalan at numero ng telepono sa mga mensahe ng spammer.
  • Hindi makikita ng spammer ang iyong ulat at hindi niya malalaman ang tungkol dito.
Ang iyong ulat ay puwedeng gumawa ng hiwalay na “Pag-uulat ng spam” na pag-uusap. Magpapadala ito ng kopya ng numero ng spammer at ng pinakabagong text message sa iyong mobile carrier. Posibleng awtomatikong napupunta sa folder na “Spam at naka-block" ang mga pag-uusap na ito.
Opsyonal ang pagpapadala ng mga ulat ng spam. Puwede ka ring mag-block ng numero ng telepono at hindi mo ito kailangang iulat sa Google. Matuto pa tungkol sa proteksyon sa spam at paano mag-block o mag-unblock ng numero.

Kapag may na-detect ang Google Messages na mensahe bilang spam, posibleng tanggalin ang mensaheng iyon at posibleng masuspinde ang mga sender kung mapag-aalamang lumalabag sila sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google.

Mag-block at mag-ulat ng pag-uusap

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Messages .
  2. Pindutin nang matagal ang pag-uusap na gusto mong iulat.
  3. I-tap ang I-block at pagkatapos ay Iulat ang spam at pagkatapos ay OK.

Mag-block mula sa isang pag-uusap

Puwede mo ring buksan ang isang pag-uusap at iulat ito bilang spam.

Mula sa pag-uusap, i-tap ang Higit pang opsyon Higit pa at pagkatapos ay Mga Detalye at pagkatapos ay Mag-block at mag-ulat ng spam at pagkatapos ay OK.

Mga Tip:

  • Inuulat bilang spam ang contact at ipinapadala ang mensahe sa iyong folder ng "Spam at naka-block."
  • Puwede mong iulat ang spam pero hindi mo kailangang i-block ang contact.

Kapag nag-alis ka ng ulat sa spam

Para mapaganda ang kalidad ng pag-uuri ng spam, nakakatanggap ang Google ng impormasyon tungkol sa inalis na flag ng spam:
  • May pantukoy na RCS Message ID ang bawat iuulat na mensaheng ipapadala sa pamamagitan ng Rich Communication Services (RCS).
  • May RCS Group ID ang bawat iuulat na panggrupong pag-uusap sa pamamagitan ng RCS.
  • Hindi ishe-share sa Google ang content ng mensahe. 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Android Computer

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
4969351931064925177
true
Maghanap sa Help Center
false
true
true
true
true
true
97587
false
false
false
false