Tumutulong sa iyo ang artikulong ito na maunawaan ang mga ad sa Google Maps at kung paano mo makokontrol ang mga ad na makikita mo.
Makakita ng mga ad sa mapa
Makakakita ka ng mga ad habang ikaw ay nagba-browse, naghahanap, gumagamit ng mga direksyon, o nagna-navigate sa Maps. Para makatulong na mas padaliin ang pagtukoy ng mga ad sa Maps, lumalabas ang lahat ng pino-promote na pin bilang mga parisukat na pin na may mga logo, mga mensahe sa screen, o sa ibaba ng Maps.
Tip: Baka hindi palaging ipakita ng mga pino-promote na pin ang logo ng nauugnay na negosyo. Nagsasaad din ng mga istasyon ng pampublikong sasakyan ang mga parisukat na pin.
Kontrolin ang mga ad na makikita mo
Mapapamahalaan mo ang iyong impormasyon, mga interes, pag-personalize, at mga setting ng ad para sa mga serbisyo ng Google (tulad ng Search, YouTube, o Maps) at para sa mga website at app na nakikipag-partner sa Google para magpakita ng mga ad. Tinutukoy ng mga setting ng iyong Google Account kung anong uri ng mga ad ang makukuha mo sa mga serbisyo ng Google gaya ng Maps, Search, at YouTube. Alamin kung paano kontrolin ang mga ad na nakikita mo.
Gumamit ng mga campaign ng ad
Kung nagmamay-ari ka ng negosyo, puwede kang gumamit ng mga Search campaign, Performance Max campaign, Smart campaign, o Local campaign para magpakita ng mga ad sa Maps.