Gamitin ang navigation sa Google Maps na built in sa iyong sasakyan

Mahalaga: Ang artikulong ito ay para lang sa Google Maps na built-in sa iyong sasakyan. Nagdedepende ang availability o functionality ng feature sa iyong manufacturer ng sasakyan o rehiyon at data plan.

Para sa madali at maaasahang navigation, gamitin ang Google Maps app sa iyong sasakyan. Gagabayan ka ng Maps sa pamamagitan ng real-time na impormasyon sa trapiko para mahanap ang pinakamagandang ruta papunta sa iyong patutunguhan.

Ina-update ka ng voice navigation sa pamamgitan ng pagbibigay ng impormasyon sa trapiko, tagubilin sa bawat pagliko, pagsasabi kung aling mga lane ang dapat gamitin, at mga update sa ruta kung magkaroon ng mas magandang ruta.

Tip: Hindi available ang feature na ito sa lahat ng wika at bansa/rehiyon.

Simulan o ihinto ang navigation

Puwede kang maghanap sa Maps gamit ang mga command gamit ang boses o ang gitnang screen ng sasakyan:

  1. Sa home screen ng iyong sasakyan, buksan ang Google Maps app Maps.
  2. Puwede kang makakita ng hanggang dalawang iminumungkahing patutunguhan. Mag-tap sa mga ito para mag-navigate papunta sa o hanapin ang iyong patutunguhan.
  3. Simulan o ihinto ang navigation:
    • Ipapakita bilang mga gray na linya ang iba pang ruta sa mapa. I-tap ang mga gray na linya para baguhin ang pinili mong ruta.
    • Para simulan ang navigation, i-tap ang Magsimula Umpisa.
    • Para ihinto ang navigation, i-tap ang Isara Isara.

Tip: Ang ilang sasakyan ay may toggle button para sa aktibidad sa manibela na may kakayahang magpakita ng Maps sa iyong driver dashboard.

I-customize ang iyong ruta

Magdagdag ng stop sa ruta

  1. Sa home screen ng iyong sasakyan, buksan ang Google Maps app Maps.
  2. Hanapin ang iyong patutunguhan o i-tap ito sa mapa.
  3. Sa ibaba, i-tap ang I-explore I-explore at pagkatapos ay Magdagdag ng stop Magdagdag ng stop.
  4. Hanapin ang iyong stop sa pamamagitan ng alinman sa mga paraang ito:
    • Pumili ng isang kategorya. Pagkatapos ay i-tap ang lokasyong gusto mong idagdag sa iyong ruta.
    • I-tap ang Maghanap gamit ang boses Voice search. Gamitin ang boses mo para hanapin ang iyong stop.
  5. ​I-tap ang Magdagdag ng stop Magdagdag ng stop at pagkatapos ayKumpirmahin Checkmark. Idaragdag ang piniling stop bilang susunod mong stop.

Maghanap ayon sa kategorya habang nasa ruta

  1. Sa home screen ng iyong sasakyan, buksan ang Google Maps app Maps.
  2. Hanapin ang iyong patutunguhan o i-tap ito sa mapa.
  3. Sa ibaba, i-tap ang Maghanap Maghanap.
  4. Pumili ng kategorya, tulad ng restaurant Restaurant o grocery store Grocery store. Makakakita ka ng listahan ng mga kalapit na lugar at ng tinantyang tagal ng paglalakbay bago makarating doon.
  5. I-tap ang lokasyong gusto mong idagdag sa iyong ruta.
  6. I-tap ang Magdagag ng stop Magdagdag ng stop at pagkatapos ay Kumpirmahin Checkmark.

Iwasan ang mga toll, highway, o ferry

  1. Sa home screen ng iyong sasakyan, buksan ang Google Maps app Maps.
  2. Hanapin ang iyong patutunguhan o i-tap ito sa mapa.
  3. I-tap ang Pangkalahatang-ideya ng ruta Pangkalahatang-ideya ng ruta at pagkatapos ay Mga opsyon sa ruta Mga opsyon sa ruta.
  4. Mag-tap ng opsyon at pagkatapos ay Bumalik Bumalik.

I-on at i-off ang mga layer ng trapiko

  1. Sa home screen ng iyong sasakyan, buksan ang Google Maps app Maps.
  2. Sa ibaba, i-tap ang Mga Setting Settings.
  3. I-on o i-off ang Trapiko.

Higit pang feature ng navigation

I-mute, i-unmute, o pakinggan lang ang mga alerto sa trapiko

  1. Sa home screen ng iyong sasakyan, buksan ang Google Maps app Maps.
  2. Sa ibaba, i-tap ang Mga Setting Settings at pagkatapos ay Mga setting ng pag-mute.
  3. Pumili ng isa sa mga sumusunod:
    • I-mute I-mute: Minu-mute ang mga binibigkas na direksyon habang nagna-navigate.
    • Tunog Sound: Ina-unmute ang mga boses na direksyon habang nagna-navigate.
    • Mga alerto sa trapiko lang Mga Alerto: Makarinig ng mga alerto tungkol sa trapiko, konstruksyon, at mga banggaan.

Mag-navigate papunta sa bahay o trabaho

Para mag-navigate sa iyong may label na mga address ng tahanan o trabaho:

  1. Sa home screen ng iyong sasakyan, buksan ang Google Maps app Maps.
  2. I-tap ang search bar at pagkatapos ay Personal.
  3. I-tap ang Bahay Trabaho.

Puwede mong direktang lagyan ng label o i-edit ang iyong mga address ng tahanan at trabaho mula sa iyong sasakyan:

  1. Sa home screen ng iyong sasakyan, buksan ang Google Maps app Maps.
  2. I-tap ang Mga Setting Settings at pagkatapos ay I-edit ang bahay o trabaho.
  3. I-tap ang Bahay Trabaho at pagkatapos ay I-edit I-edit.

Gamitin ang compass o igitna ulit ang mapa

  • Para ilipat-lipat ang mapa sa pagitan ng pagturo sa direksyong nilalakbay mo at pagtuyo sa Norte, i-tap ang Compass Compass.
  • Para igitna ulit ang mapa sa kasalukuyan mong lokasyon, i-tap ang Iyong lokasyon Your location.

Alamin ang mga speed limit

Mahalaga: Hindi available ang feature na ito sa ilang lokasyon.

Puwede kang makahanap ng impormasyon tungkol sa speed limit habang gumagamit ng navigation sa ilang lugar.

Nagbibigay lang ng impormasyon ang mga speed limit na ipinapakita sa Maps. Tiyaking kumpirmahin ang mga speed limit sa mga nakapaskil na tanda sa trapiko.

Mag-navigate offline

Kung mahina ang iyong koneksyon sa internet, mga offline na mapa ang gagamitin para gabayan ka papunta sa iyong patutunguhan.

Matuto kung paano mag-download ng mga offline na map.

Alamin ang baterya pagkarating at mga alerto kapag wala sa sakop

Kapag naghanap ka ng destinasyon sa isang electric vehicle, ipapakita ng Maps ang iyong tinantyang baterya na matitira pagkarating mo Baterya pagkarating sa iyong destinasyon. Kung kakailanganin mong i-charge ang iyong sasakyan para makarating sa destinasyon, posibleng awtomatikong magdagdag ng mga compatible na charging station para sa iyo.

Matuto pa tungkol sa paggamit ng Google Maps sa iyong electric vehicle.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
10437108006223715397
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
76697
false
false