Gamitin ang Google Maps na built-in sa iyong sasakyan kapag offline ka

Puwede kang gumamit ng mga offline na mapa para sa mga maaasahang feature sa pag-navigate at kaligtasan kapag mahina ang koneksyon sa internet ng iyong sasakyan.

Puwedeng awtomatikong i-download at i-update ang mga offline na mapa batay sa kasalukuyan mong lokasyon at pattern sa pagbiyahe.

Mahalaga

  • Ang artikulong ito ay para lang sa Google Maps na built-in sa iyong sasakyan. Posibleng nakadepende ang availability o functionality ng feature sa iyong manufacturer ng sasakyan o rehiyon at data plan. Matuto pa tungkol sa paggamit ng Google Maps para sa iyong sasakyan.
  • Tip: Hindi sa lahat ng wika at bansa/rehiyon available ang feature na ito. Aabisuhan ka kapag lumabas ka sa lugar na saklaw ng iyong Mga Offline na Mapa.

Hayaan ang Google Maps na pamahalaan ang iyong mga offline na mapa

Nagbibigay ang Google Maps ng data sa pamamagitan ng Vehicle Map Service (VMS) para suportahan ang mga feature sa mga sasakyan na tulong sa driver na nauugnay sa kaligtasan, gaya ng pagsasama ng karatula sa kalye at adaptive na kontrol sa bilis. Nakasalalay sa data ng offline na mapa ang mga feature sa kaligtasan na ito. Para matiyak na palaging available ang data ng mapa, i-on ang “awtomatikong i-download” sa Privacy Center.

I-on ang awtomatikong pag-download sa Privacy Center

Para i-on ang awtomatikong pag-download:

  1. Buksan ang Google Maps app Maps.
  2. Sa ibaba, i-tap ang Mga Setting Settings.
  3. I-tap ang Privacy Center at pagkatapos ay Mga offline na mapa.
  4. Piliin ang Awtomatikong mag-download ng mga offline na mapa.
  5. Tiyaking may koneksyon ka sa internet at hintaying matapos na ma-download ang iyong offline na mapa.
Tip: Kung io-off mo ang awtomatikong pag-download, mananatiling naka-save ang mga na-download nang mapa, pero hindi na awtomatikong magda-download ng anumang bagong mapa.

Pamahalaan ang mga offline na mapa

Sa iyong sasakyan, sa ilalim ng "Mga offline na mapa," ipapakita ng mga offline na mapa mo ang:

  1. Mga awtomatikong na-download na mapa batay sa mga paggalaw ng iyong sasakyan, kung na-on mo dati ang awtomatikong pag-download.
  2. Opsyonal: Mga mapa ng Bahay at Trabaho, kung naka-sign in ka.
  3. Opsyonal: Mga mapang manual mong na-download.

Tip: Ang mga mapa ng Bahay at Trabaho ay batay sa iyong address ng tahanan at trabaho, o sa history ng lokasyon ng Google Account mo.

Mag-download ng mga offline na mapa
Mada-download mo lang ang mga offline na mapa gamit ang isang data plan.

Para mag-download ng mga offline na mapa:

  1. Buksan ang Google Maps app Maps.
  2. Sa ibaba, i-tap ang Mga Setting Settings at pagkatapos ay Mga offline na mapa.
  3. I-tap ang Pumili ng sarili mong mapa Pumili ng sarili mong mapa.
  4. Igalaw mapa para saklaw nito ang lugar na gusto mong i-download.
  5. I-tap ang I-download I-download
Mag-rename ng mga offline na mapa
  1. Buksan ang Google Maps app Maps.
  2. Sa ibaba, i-tap ang Mga Setting Settings at pagkatapos ay Mga offline na mapa.
  3. Pumili ng mapang ie-edit, pagkatapos ay i-tap ang I-rename I-edit.
Mag-update ng mga offline na mapa
  1. Buksan ang Google Maps app Maps.
  2. Sa ibaba, i-tap ang Mga Setting Settings at pagkatapos ay Mga offline na mapa.
  3. Pumili ng mapang ie-edit, pagkatapos ay i-tap ang I-update I-update.
I-delete ang mga offline na mapa
  1. Buksan ang Google Maps app Maps.
  2. Sa ibaba, i-tap ang Mga Setting Settings at pagkatapos ay Mga offline na mapa.
  3. Pumili ng mapang ie-edit, pagkatapos ay i-tap ang I-delete I-delete
Tip: Kung ide-delete mo ang awtomatikong na-download na mapa habang naka-on ang awtomatikong pag-download, awtomatikong ida-download ang lugar sa paligid ng kasalukuyan mong lokasyon para palitan ang na-delete na mapa.

Mga kaugnay na resource

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
6193512385089325408
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
76697
false
false