Magsimula sa na-update na Google Maps app

Na-update ang Google Maps app para tulungan kang mas mabilis na ma-access ang mga feature.

Inalis namin ang Menu Menu. Maa-access mo na ang mga feature na dating nasa Menu Menu sa pamamagitan ng mga tab sa ibaba sa Home screen at sa Account Circle Account Circle sa kanang sulok sa itaas.

Kapag binuksan mo ang Google Maps app, makakakita ka ng 5 tab sa ibaba ng Home Screen:

  • Mag-explore I-explore: Piliin kung saan pupunta.
  • Pag-commute Pag-commute: Ano ang dapat asahan sa iyong pang-araw-araw na pag-commute.
  • Naka-save I-save ang lugar: Gumawa ng mga listahan at balikan ang mga lugar.
  • Mag-ambag Mag-ambag: Magbahagi ng mga karanasan, magdagdag ng impormasyon at mga review, at mag-ayos ng mga problema.
  • Mga Update Mga Update: Makatanggap ng mga notification para sa nauugnay na impormasyon.

Mahalaga: Sa mga piling lungsod, makikita mo ang Pumunta Go sa halip na Mag-commute Mag-commute sa iyong Google Maps app.

Nasa Account Circle Account Circle sa kanang sulok sa itaas ang mga feature gaya ng Pagbabahagi ng Lokasyon, Timeline, at mga offline na mapa.

Paano i-access ang mga feature ng Google Maps

Mag-explore

Makakakita ka ng mga detalyadong review at paglalarawan sa mga pinakasikat na establisamiyento at puntahan sa lugar. Maghanap ng mga sikat na lokasyon, lokal na event, patok na restaurant, o puwedeng gawin sa Google Maps.

Para sa higit pang impromasyon tungkol sa kung paano gamitin ang tab na Mag-explore, “Maghanap ng mga kalapit na lugar at i-explore ang lugar.”

Pag-commute

Bago ka umalis, planuhin ang iyong biyahe at maghanap ng kapaki-pakinabang na impormasyon tungkol sa iyong pag-commute. Makakakuha ka ng impormasyon tungkol sa kung kailan dapat umalis, mga ulat sa trapiko, mga rutang dapat daanan, at mga aksidente sa daraanan.

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa kung paano gamitin ang tab na Pag-commute, “Planuhin ang iyong pag-commute o biyahe.”

Naka-save

Maa-access mo na ang mga feature sa Naka-save I-save ang lugar na dating nasa Menu Menu at pagkatapos ay Iyong mga lugar.

Sa ibaba, i-tap ang Naka-save I-save ang lugar para makita ang lahat ng iyong listahan:

  1. Mga ListahanMaghanap ng mga listahan ng iyong mga paborito, gustong puntahan, at naka-star na lugar.
  2. May LabelHanapin ang mga lugar na nilagyan mo ng mga pribadong label.
  3. Mga ReservationMakakuha ng impormasyon tungkol sa mga paparating na biyahe at event.
  4. SinusundanHanapin ang mga lugar na iyong sinusundan.
  5. Binibisita: Hanapin ang mga lugar na iyong binisita.
  6. Mga MapaHanapin ang naibahagi mong custom na mapa.

Mag-ambag

Maa-access mo na ang mga feature sa Mag-ambag Mag-ambag na dating nasa Menu Menu at pagkatapos ay Iyong Profile at “Iyong Mga Kontribusyon.”

Sa ibaba, i-tap ang Mag-ambag Mag-ambag para magdagdag ng mga lugar, magsulat ng mga review, mag-upload ng mga larawan, o magmungkahi ng pag-edit. Magagawa mo ring magsumite ng mga pagwawasto sa mga kalsada at lugar, pamahalaan ang iyong profile sa Maps, at alamin kung ilan ang nakakita at natulungan ng iyong kontribusyon.

Matuto pa tungkol sa kung paano mag-ambag sa Google Maps.

Mga Update

Sa Mga Update Mga Update, magagawa mong:

Account Circle

Inilipat namin sa Account Circle Account Circle ang ilang bagong feature na dating nasa iba't ibang bahagi ng interface.

Mga hindi nagbagong feature

Mga feature na inilipat sa Account Circle

  • Ang Iyong Business Profile
  • TimelineTingnan at pamahalaan ang impormasyon ng iyong History ng Lokasyon. 
  • Pagbabahagi ng Lokasyon: Piliin kung sino ang makakakita sa iyong lokasyon at kung kaninong lokasyon ang makikita mo sa Google Maps.
  • Mga offline na mapaHanapin at pamahalaan ang iyong mga offline na mapa.
  • Mga Setting: Pamahalaan ang iyong WiFi, mga unit ng layo, notification, at setting ng pag-commute sa Google Maps.
  • Tulong at feedbackMag-access ng Tulong at magsumite ng feedback, gaya ng paghiling ng mga pagwawasto sa mga kalsada at lugar, sa iisang screen.
 

Pamahalaan ang iyong mga setting ng privacy

I-tap ang Account Circle ​​Account Circle para i-access at pamahalaan ang mga setting ng privacy na ito:

  • TimelineTingnan at pamahalaan ang impormasyon ng iyong History ng Lokasyon. 
  • Pagbabahagi ng Lokasyon: Piliin kung sino ang makakakita sa iyong lokasyon at kung kaninong lokasyon ang makikita mo sa Google Maps.
  • Iyong data sa Maps: Pamahalaan ang iyong mga kontrol sa privacy. Puwede mong hanapin at i-delete ang iyong History ng lokasyon at i-download ang data mo sa Maps.
Nakatulong ba ito?
Paano namin mapapaganda ito?