Mula Agosto 2024, hindi na available ang Google Sky Maps. Puwede mong patuloy na tingnan ang Buwan, ang Mars, at Kalangitan sa Google Earth Pro. Para tingnan ang Buwan, ang Mars, at iba pang planeta, pumunta sa Google Maps sa Space.
Mahalaga: Para gumana ang Google Maps sa Space, i-on ang Globe view.
Puwede kang tumingin ng ilang bagay sa kalangitan gaya ng International Space Station, mga planeta, o ang buwan ng Daigdig sa Google Maps sa Space.
I-on ang Globe view
- Sa iyong computer, buksan ang Google Maps sa Space.
- Sa kaliwang bahagi sa ibaba, mag-hover sa “Mga Layer.”
- I-click ang Higit pa.
- Lagyan ng check ang kahon sa tabi ng “Globe view.”
- I-refresh ang webpage.
Mag-ikot-ikot
May 2 paraan para baguhin ang iyong view ng planeta.
I-pan
Para mag-pan, o ilipat ang mapa:
- I-drag ang view sa anumang direksyon.
- Para gumalaw patungong Hilaga, pindutin ang Pataas na arrow.
- Para gumalaw patungong Timog, pindutin ang Pababang arrow.
- Para gumalaw patungong Silangan, pindutin ang Pakanang arrow.
- Para gumalaw patungong Kanluran, pindutin ang Pakaliwang arrow.
Mag-zoom in o mag-zoom out
Para mag-zoom in at mag-zoom out sa kalangitan:
- Pindutin ang + o - na key.
- Ilipat ang iyong cursor sa isang lugar sa mapa at gamitin ang button sa pag-scroll ng mouse.
- I-drag ang zoom slider pataas o pababa.
Tip: Para igitna at i-zoom in ang isang lugar, i-double click ang lugar.
Tumingin ng iba't ibang planeta
Para tumingin ng iba't ibang lokasyon sa Google Maps sa Space:
- Pumunta sa kaliwang bahagi ng screen.
- Mag-click sa ibang lokasyon.
Tip: Para itago ang sidebar na may listahan ng mga lokasyon, i-click ang arrow sa kanang bahagi. Para ipakita, i-click ulit ang parehong arrow.
Tumingin pa ng impormasyon tungkol sa isang landmark
Para tingnan ang impormasyon tungkol sa isang landmark, mag-click sa pangalan ng landmark sa mapa. Lalabas ang impormasyon ng landmark sa kaliwang sidebar.
Magbahagi ng link
Para magbahagi ng link sa kasalukuyan mong view sa isang website o sa iba:
- Kopyahin ang address sa web sa address bar.
- I-paste ang address sa email o field ng mensahe.
- Ipadala ito sa isang tao.