Gumawa ng bagong listahan
- Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Maps app
.
- I-tap ang Naka-save
. Mag-scroll pababa sa "Iyong mga listahan."
- I-tap ang Bagong listahan.
- Maglagay ng pangalan at paglalarawan.
- I-tap ang I-save.
Mag-save ng lugar sa isang listahan
- Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Maps app
.
- Maghanap ng lugar o i-tap ito sa mapa.
- Sa ibaba, i-tap ang pangalan o address ng lugar.
- I-tap ang I-save.
- Pumili ng listahan. Para gumawa ng bagong listahan, i-tap ang Bagong listahan
.
Magdagdag ng tala sa isang lugar na nasa isang listahan
- Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Maps app
.
- I-tap ang Naka-save
. Mag-scroll pababa sa "Iyong mga listahan."
- Mag-tap sa isang listahan.
- Maghanap ng lugar
i-tap ang Higit pa
.
- I-tap ang Magdagdag ng tala.
- Idagdag ang iyong tala
I-save. Puwedeng magkaroon ng hanggang 4,000 character ang mga tala.
Hanapin ang iyong mga listahan
- Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Maps app
.
- I-tap ang Naka-save
. Mag-scroll pababa sa "Iyong mga listahan."
Mag-edit o mag-delete ng listahan
- Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Maps app
.
- I-tap ang Naka-save
. Mag-scroll pababa sa "Iyong mga listahan."
- Sa tabi ng listahang gusto mong i-edit o i-delete, i-tap ang Higit pa
pumili ng opsyon:
- I-edit ang listahan: Baguhin ang pangalan, paglalarawan, o mga lugar sa iyong listahan.
- I-delete ang listahan: Alisin ang iyong listahan.
- Para magbago ng listahan, sa itaas, i-tap ang I-edit
. Mula rito, magagawa mong:
- I-edit ang listahan: Sa itaas, i-tap ang pangalan o paglalarawang gusto mong baguhin.
- Magdagdag ng mga tala: I-tap ang kahon sa ibaba ng lugar na gusto mong ilarawan. Puwede kang magdagdag ng hanggang 400 character.
- Mag-delete ng naka-save na lugar: I-tap ang Alisin
.
- Kapag tapos ka na, sa kanang itaas, i-tap ang I-save.
Magtago o magbahagi ng mga listahan
- Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Maps app
.
- I-tap ang Naka-save
. Mag-scroll pababa sa "Iyong mga listahan."
- Sa tabi ng listahang gusto mong ibahagi, i-tap ang Higit pa
pumili ng opsyon:
- Itago/Ipakita sa iyong mapa: Ipakita o itago ang mga naka-save mong lugar kapag tumitingin sa mapa.
- I-edit ang listahan: Magdagdag o mag-alis ng mga lugar sa listahan.
- Ibahagi ang listahan: Hayaan ang iba na makita ang iyong naka-save na lisahan o makipag-collaborate dito.
- Mga opsyon sa pagbabahagi: Puwede mong gawing pampubliko, pribado, o nakabahagi ang iyong listahan. Para hayaan ang sinumang mayroon ng link na makita ang iyong listahan, i-tap ang Nakabahagi. Para hayaan ang kahit sino na mahanap at masubaybayan ang iyong listahan, i-tap ang Pampubliko.
Makikita ng sinumang nakakakita sa iyong mga listahan ang mga pangalan at larawan sa profile ng mga taong sumali sa listahan. Makikita rin nila kung sino ang mga nagdagdag o nag-edit ng mga tala sa listahan.
Pamahalaan kung sino ang makakapag-edit sa iyong mga nakabahaging listahan
Imbitahan ang iba na i-edit ang iyong listahan
Puwede kang mag-imbita ng iba para sumali sa iyong mga nakabahagi at pampublikong listahan para makapag-edit sila:
- Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Maps app
.
- I-tap ang Naka-save
. Mag-scroll pababa sa "Iyong mga listahan."
- Sa tabi ng listahan, i-tap ang Higit pa
Ibahagi ang listahan.
- I-on ang "Puwedeng mag-edit sa link."
- Piliin kung kanino ibabahagi ang link sa pag-edit.
Baguhin kung sino ang puwedeng mag-edit sa iyong listahan
Narito kung paano magbahagi ulit ng link sa pag-edit ng listahan o kung paano magdagdag ng higit pang editor:
- Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Maps app
.
- I-tap ang Naka-save
. Mag-scroll pababa sa "Iyong mga listahan."
- I-tap ang Higit pa
Mga opsyon sa pagbabahagi.
- Sa ilalim ng "Mga Editor," i-tap ang Mag-imbita ng iba pa.
- Piliin kung kanino ibabahagi ang link.
Para alisin ang lahat ng kasalukuyang editor, i-off ang pag-edit:
- Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Maps app
.
- I-tap ang Naka-save
. Mag-scroll pababa sa "Iyong mga listahan."
- Sa tabi ng listahan, i-tap ang Higit pa
Mga opsyon sa pagbabahagi.
- Sa ilalim ng "Mga Opsyon sa Pag-edit," i-off ang Ipa-edit sa iba itong listahan.
- I-on ang Ipa-edit sa iba itong listahan para makakuha ng bagong link na ibabahagi sa iba.
Kumpletuhin ang iyong listahan
Kwalipikadong maitampok ang mga listahang mayroon ng mga attribute sa ibaba (puwedeng lumabas ang mga itinatampok na listahan sa tab na I-explore sa Google Maps at sa iba pang lugar sa Maps at Search). Para kumpletuhin ang iyong listahan:
- Gumawa ng bagong listahang may sarili mong pamagat.
- Magdagdag ng paglalarawan tungkol sa listahan.
- Magdagdag ng kahit man lang 4 na lugar.
- Magdagdag ng mga paglalarawan tungkol sa bawat lugar na nasa listahan.
- I-tap ang I-publish.
Puwede ring manatiling pribado ang isang listahan sa pamamagitan ng pag-toggle sa "pribado" para ikaw lang ang makakita sa iyong listahan. Para gawing pribado ang iyong listahan, sa tabi ng listahan mo, i-tap ang Higit pa Mga opsyon sa pagbabahagi
Pribado.
Subaybayan ang isang listahan
Kung sinusubaybayan mo ang isang listahang gawa ng ibang tao, lalabas ang mga naka-save niyang lugar sa Iyong Mga Lugar. Lalabas din ang mga lugar bilang mga iminumungkahing lokasyon sa Google Maps.
Subaybayan ang isang listahan gamit ang isang link
- I-tap ang link na natanggap mo para buksan ito.
- I-tap ang Subaybayan. Maidaragdag na ngayon ang listahang ito sa pangkat ng mga listahang sinusubaybayan mo.
- Opsyonal: Para huwag nang subaybayan ang isang listahang ibinahagi sa iyo ng isang tao, piliin ang listahang
Sinusubaybayan.