
Caption: Puwede mo na ngayong gamitin ang camera sa Maps para magbahagi ng mga video
Puwede ka na ngayong magbahagi ng mga video sa Google Maps. Maaari mong gamitin ang camera sa Maps upang kumuha ng 10 segundong video o mag-upload ng 30 segundong video mula sa iyong camera roll. Narito ang ilang tip:
- I-capture ang kapaligiran: Iparanas sa iba kung ano ang pakiramdam kapag nandoon ka. Gamitin ang iyong video para ipakita ang hitsura ng disenyo at kapaligiran ng isang lugar (halimbawa).
- Humanap ng mga lugar na may sapat na liwanag: Malaki ang magagawa ng sapat na liwanag. Puwedeng ma-downgrade ang kalidad ng video kapag hindi sapat ang liwanag. Pinakamahusay ang natural na liwanag — totoo rin ito para sa still photography.
- Huwag kalimutan ang labas: Subukang mag-shoot kapag maganda at nakakaengganyo ang panahon. I-capture ang mga detalye tulad ng harap ng gusali, paradahan, o hardin (halimbawa).
- Tumuon sa mga detalye: Ipakita ang mga serbisyo o produkto na iniaalok ng isang lugar. Sumubok ng malapitang kuha ng isang partikular na produkto o ng isang taong may inaabot na bagay, pero huwag direktang ipakita ang mukha ng isang tao. Gumamit lang ng isang produkto sa bawat video at panatilihing naka-focus ang subject sa frame.
- Pagkain at inumin: Ipakita ang mga putaheng iniaalok ng restaurant, lalo na ang anumang kakaibang putaheng may nakakaakit na hitsura (halimbawa). Sumubok ng action shot ng isang taong kumakain, ngunit panatilihing naka-frame ang putahe (iwasan ang mukha ng mga tao). Gumamit lang ng isang putahe sa bawat video o ng view mula sa itaas ng buong mesang maraming putahe.
- Personal na review: Mahusay na paraan ng pag-highlight ng lugar ang personal na review na nagpapakita ng partikular na putahe o mga interesanteng tip para sa mga bisita (halimbawa). Huwag mag-atubiling magdagdag ng mga detalye at impormasyon, at puwede mo ring ilagay ang iyong opinyon, pero tandaan na nalalapat sa mga video at nakasulat na review ang parehong mga patakaran sa review.