Ipakita sa iba kung nasaan ka gamit ang iMessage
Kung nakikipag-chat ka sa iyong mga kaibigan at pamilya sa iMessage, maaari mong gamitin ang Google Maps upang ipakita sa kanila kung nasaan ka.
Hakbang 1: Magbukas ng pag-uusap
Tandaan: Upang makapagpadala ng mga mensaheng MMS, kailangan ng iMessage ang iyong numero ng telepono. Kung hihingin ito sa iyo, i-tap ang Settings upang idagdag ang iyong numero.
- Mula sa Home screen ng iyong iPhone o iPad, hanapin ang iMessage.
-
Magbukas ng dati nang pag-uusap, o pumunta sa kanang bahagi sa itaas at i-tap ang New Message
.
Hakbang 2: Idagdag ang Google Maps sa iMessage
- Sa ibaba ng screen, i-tap ang Apps
.
- Sa kaliwang bahagi sa ibaba, i-tap ang App drawer
.
- I-tap ang Add +.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Manage.
- Sa tabi ng “Google Maps,” i-on ang switch. Kung hindi mo makita ang Google Maps, i-download ang Google Maps app.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Done.
Hakbang 3: Ipadala ang iyong lokasyon
- Sa ibaba ng screen, i-tap ang Apps
.
- Sa kaliwang bahagi sa ibaba, i-tap ang App drawer
.
- I-tap ang Google Maps.
- Kung lumipat ka simula noong huli mong ibinahagi ang iyong posisyon, o kung ipinapakita ka ng mapa sa maling lugar, i-update ang lokasyon mo. Upang i-update ang iyong lokasyon, pumunta sa kanang sulok sa itaas at i-tap ang Refresh
.
- I-tap ang Send
.
- I-tap ang pataas na arrow.
Nakatulong ba ito?
Paano namin mapapaganda ito?