Kung nakikipag-chat ka sa iyong mga kaibigan at pamilya sa iMessage, puwede mong gamitin ang Google Maps para ipakita sa kanila kung nasaan ka.
Hakbang 1: Magbukas ng pag-uusap
Mahalaga: Para makapagpadala ng mga mensaheng MMS, kailangan ng iMessage ang iyong numero ng telepono. Kung hihingin ito sa iyo, i-tap ang Settings para idagdag ang iyong numero.
- Mula sa Home screen ng iyong iPhone o iPad, hanapin ang iMessage.
-
Magbukas ng dati nang pag-uusap, o pumunta sa kanang bahagi sa itaas at i-tap ang New Message .
Hakbang 2: Idagdag ang Google Maps sa iMessage
- Sa ibaba ng screen, i-tap ang Apps .
- Sa kaliwang bahagi sa ibaba, i-tap ang App drawer .
- I-tap ang Add +.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Manage.
- Sa tabi ng “Google Maps,” i-on ang switch. Kung hindi mo makita ang Google Maps, i-download ang Google Maps app.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Done.
Hakbang 3: Ipadala ang iyong lokasyon
Mahalaga: Para ihinto ang pagbabahagi ng lokasyon, sa thumbnail, i-tap ang Stop.
- Sa ibaba ng screen, i-tap ang Apps .
- Sa kaliwang bahagi sa ibaba, i-tap ang App drawer .
- I-tap ang Google Maps.
- Piliin kung paano mo gustong ibahagi ang iyong lokasyon.
- Para ibahagi ang real time na lokasyon mo: Piliin ang Ibahagi ang iyong real time na lokasyon sa loob ng 1 oras. Puwede mong i-extend ang tagal ng pagbabahagi ng iyong lokasyon nang hanggang 3 araw.
- Para ang iyong kasalukuyang lokasyon lang ang ibahagi: Piliin ang Ipadala ang lokasyon mo ngayon.
- I-tap ang Ipadala .
- I-tap ang pataas na arrow.
Tip: Kung pipiliin mong ibahagi ang iyong real time na lokasyon, dapat mong buksan ang Google Maps app para i-update ang iyong lokasyon.