Maghanap at mag-save ng mga lokasyon ng parking
Bago ka magsimulang magmaneho, maaari kang maghanap ng mga lugar kung saan maaaring iparada ang iyong sasakyan. Kapag nakarating ka na sa iyong patutunguhan, maaari mong i-save ang lokasyon ng iyong parking upang mahanap mo ito sa ibang pagkakataon.
Mga Paalala:
- Sa ilang lungsod sa U.S. ka lang makakapaghanap ng parking na malapit sa iyong patutunguhan.
- Hindi ka makakapaghanap ng mga lugar na paparadahan sa iPhone o iPad.
Magdagdag ng paradahan o garahe sa iyong ruta
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app
.
- Sa itaas, maghanap ng patutunguhan.
- Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Mga Direksyon.
- Sa ibaba, i-tap ang Mga hakbang at higit pa.
- I-tap ang Maghanap ng paradahan malapit sa patutunguhan.
- Pumili ng paradahan o garahe, at i-tap ang Magdagdag ng paradahan.
- Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Magsimula.
I-save kung saan ka nakaparada
Maaari mong i-save ang lokasyon ng iyong paradahan upang maalala mo kung saan mo iniwan ang iyong kotse.
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app
.
- I-tap ang asul na tuldok na nagpapakita ng iyong lokasyon.
- I-tap ang I-save ang iyong parking.
Mase-save sa Google Maps ang lokasyon ng iyong paradahan hanggang sa alisin mo ito.
Ilipat ang lokasyon ng iyong paradahan
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app
.
- I-tap ang search bar
Lokasyon ng paradahan.
- Sa ibaba, i-tap ang Lokasyon ng paradahan
Baguhin ang lokasyon.
Upang alisin ang lokasyon ng iyong paradahan sa Maps, i-tap ang I-clear .
Magdagdag ng mga tala tungkol sa lokasyon ng iyong parking
Maaari kang magdagdag ng mga larawan at tala, tulad ng kung nasaang palapag ang iyong sasakyan o kung ilang oras pa ang natitira.
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app
.
- I-tap ang search bar
Lokasyon ng paradahan.
- Upang magdagdag ng larawan o tala, i-tap ang Higit pang impormasyon.
Ibahagi ang lokasyon ng iyong paradahan sa iba
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app
.
- I-tap ang search bar
Lokasyon ng paradahan.
- I-tap ang Higit pang impormasyon
Ibahagi
.
Hanapin kung saan ka nakaparada
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app
.
- I-tap ang search bar
Lokasyon ng paradahan.
- Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Mga Direksyon
.
I-on o i-off ang mga notification
Maaari kang makakuha ng mga notification para sa impormasyon ng paradahan, tulad ng kung saan at gaano ka katagal pumarada.
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app
.
- Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu
Mga Setting.
- I-tap ang Mga Notification
Mga tao at lugar.
- Mag-scroll pababa, pagkatapos ay i-on o i-off ang Naka-save na paradahan.
Nakatulong ba ito?
Paano namin mapapaganda ito?