Magkonekta ng device sa iyong Google Account

Kung hindi lumalabas ang iyong telepono o tablet kapag pinili mo ang "Ipadala sa iyong telepono," maaaring kailangan mong ikonekta ang iyong device sa Google Account mo.

  1. Tiyaking ginagamit mo ang pinakabagong bersyon ng Google Maps app.
  2. Mag-sign in sa parehong Google Account sa iyong computer at mobile device.
    • Mag-sign in sa iyong computer: Pumunta sa Google. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Mag-sign in.
    • Mag-sign in sa iyong telepono o tablet: Buksan ang Google Maps app Google Maps at pagkatapos aysa kaliwang bahagi sa itaas, piliin ang Menu Menuat pagkatapos aymag-sign in sa iyong account.
  3. Sundin ang mga hakbang upang i-on ang mga notification.

Idagdag ang iyong sasakyan

Kung hindi lumalabas ang iyong sasakyan kapag pinili mo ang "Ipadala sa telepono," sundin ang mga hakbang sa ibaba.

  1. Pumunta sa https://www.google.com/maps/sendtocar.
  2. I-click ang Mag-sign in at ilagay ang impormasyon ng iyong account.
  3. I-click ang Magdagdag ng sasakyan o GPS device.
  4. Piliin ang uri ng iyong sasakyan, tulad ng "Audi" o "Nissan."
  5. I-type sa field na “Account ID” ang iyong account ID na ibinigay ng manufacturer ng sasakyan mo. Hanapin ang iyong ID sa pamamagitan ng pag-sign in sa website ng manufacturer ng sasakyan mo.
  6. Opsyonal: Upang mas mabilis na mahanap ang iyong sasakyan sa ibang pagkakataon, mag-type ng pangalan para sa sasakyan mo.
  7. I-click ang OK.

Mga sasakyan kung saan gumagana ang feature na ito

  • Audi
  • BMW
  • Infiniti
  • Kia UVO
  • MINI
  • Nissan
  • Toyota

Kung mayroon kang problema, makipag-ugnayan sa manufacturer ng iyong sasakyan para sa tulong.

Mga Paalala:

  • Maaaring mag-iba-iba ang mga sasakyan batay sa iyong bansa.
  • Sa ngayon, isang sasakyan lang bawat account ang pinapayagan namin.
  • Sa feature na ito, hindi ka maaaring magpadala ng mga ruta o direksyon sa iyong sasakyan, ngunit maaari kang magpadala ng lugar.
Nakatulong ba ito?
Paano namin mapapaganda ito?