Mag-troubleshoot ng mga isyu sa pagpapadala ng mga direksyon sa iyong device
Palabasin ang iyong telepono o tablet bilang opsyonKung hindi lumalabas ang iyong telepono o tablet kapag pinili mo ang Ipadala sa telepono :
- Tiyakin na ang pinakabagong bersyon ng Google Maps app ang ginagamit mo.
- Sa iyong computer at mobile device, siguraduhing naka-sign in ka sa Google Maps gamit ang parehong account.
- Mag-sign in sa iyong computer:
- Sa iyong computer, pumunta sa Google.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Mag-sign in.
- Mag-sign in sa iyong telepono o tablet:
- Buksan ang Google Maps app .
- I-tap ang Larawan sa profile o Inisyal mo Mag-sign in sa iyong account.
- Mag-sign in sa iyong computer:
- Tiyaking nakakonekta ang iyong device sa data o Wi-Fi.
- Tiyaking naka-on ang iyong mga notification.
Kung hindi mo makita ang Ipadala sa telepono :
- Tiyaking naka-on ang iyong mga notification.
- Maghintay nang ilang segundo.
- I-reload ang Google Maps sa iyong computer at subukan ulit.
Magpadala ng mga direksyon sa iyong telepono o tablet
Mahalaga: Sa iyong computer at sa telepono o tablet mo, siguraduhing naka-sign in ka sa parehong account. Kung ipapa-on sa iyo ang mga notification sa telepono o tablet mo, i-tap ang I-on ang mga notification.
Puwede kang magpadala ng mga direksyong hinanap mo sa iyong computer sa telepono o tablet mo. Para makapagpadala ng mga direksyon sa iyong telepono o tablet, hindi ka puwedeng magkaroon ng maraming destinasyon.
- Sa iyong computer, buksan ang Google Maps.
- I-click ang Mga Direksyon .
- Ilagay ang mga gusto mong lokasyon.
- Pumili ng ruta.
- I-click ang Ipadala sa telepono .
- Piliin ang device o email na gusto mong padalhan ng mga direksyon.
Magbahagi ng mga direksyon sa iba
- Sa iyong computer, buksan ang Google Maps.
- I-click ang Mga Direksyon .
- Ilagay ang gusto mong lokasyon.
- Pumili ng ruta.
- I-click ang Ibahagi .
- Pumili ng alinman sa mga opsyong ito:
- Para magbahagi ng link sa pamamagitan ng email o text: I-click ang Magpadala ng link Kopyahin ang link.
- Para magbahagi ng link sa social media: I-click ang Magpadala ng link, pagkatapos ay piliin ang app kung saan mo gustong ibahagi ang link.
- Para magbahagi ng link sa isang web page: I-click ang Mag-embed ng mapa Kopyahin ang HTML.
Magbahagi ng mapa o lokasyon sa iba
- Sa iyong computer, buksan ang Google Maps.
- Pumunta sa bahagi ng mapa na gusto mong ibahagi.
- Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Menu .
- I-click ang Ibahagi o i-embed ang mapa.
- Pumili ng alinman sa mga opsyong ito:
- Para magbahagi ng link sa email o text: I-click ang Magpadala ng link Kopyahin ang link.
- Para magbahagi ng link sa social media: I-click ang Magpadala ng link, pagkatapos ay piliin ang app kung saan mo gustong ibahagi ang link.
- Para magbahagi ng link sa isang web page: I-click ang Mag-embed ng mapa Kopyahin ang HTML.
Tip: Hindi ka makakapagbahagi ng mapang may mga naka-save na lokasyon mo, mapang may pagsukat ng distansya, o larawan ng mapa mismo mula sa Google Maps.
Mag-print ng mga direksyon
- Sa iyong computer, buksan ang Google Maps.
- I-click ang Mga Direksyon .
- Ilagay ang gusto mong lokasyon.
- Pumili ng ruta.
- I-click ang I-print .
- Piliin ang I-print kasama ang mga mapa o Text lang ang i-print.
- I-click ang I-print.