Mag-troubleshoot ng mga isyu sa pagpapadala ng mga direksyon sa iyong device
Palabasin ang iyong telepono o tablet bilang opsyonKung hindi lumalabas ang iyong telepono o tablet kapag pinili mo ang Ipadala sa telepono :
- Tiyakin na ang pinakabagong bersyon ng Google Maps app ang ginagamit mo.
- Sa iyong computer at mobile device, siguraduhing naka-sign in ka sa Google Maps gamit ang parehong account.
- Mag-sign in sa iyong computer:
- Sa iyong computer, pumunta sa Google.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Mag-sign in.
- Mag-sign in sa iyong telepono o tablet:
- Buksan ang Google Maps app .
- I-tap ang Larawan sa profile o Inisyal mo Mag-sign in sa iyong account.
- Mag-sign in sa iyong computer:
- Tiyaking nakakonekta ang iyong device sa data o Wi-Fi.
- Tiyaking naka-on ang iyong mga notification.
Kung hindi mo makita ang Ipadala sa telepono :
- Tiyaking naka-on ang iyong mga notification.
- Maghintay nang ilang segundo.
- I-reload ang Google Maps sa iyong computer at subukan ulit.
Magpadala ng mga direksyon sa iyong telepono o tablet
Mahalaga: Sa iyong computer at sa telepono o tablet mo, siguraduhing naka-sign in ka sa parehong account. Kung ipapa-on sa iyo ang mga notification sa telepono o tablet mo, i-tap ang I-on ang mga notification.
Puwede kang magpadala ng mga direksyong hinanap mo sa iyong computer sa telepono o tablet mo. Para makapagpadala ng mga direksyon sa iyong telepono o tablet, hindi ka puwedeng magkaroon ng maraming destinasyon.
- Sa iyong computer, buksan ang Google Maps.
- I-click ang Mga Direksyon .
- Ilagay ang mga gusto mong lokasyon.
- Pumili ng ruta.
- I-click ang Ipadala sa telepono .
- Piliin ang device o email na gusto mong padalhan ng mga direksyon.
Magbahagi ng mga direksyon sa iba
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app .
- Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Mga Direksyon .
- Ilagay ang mga gusto mong lokasyon.
- Pumili ng ruta.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa Ibahagi ang mga direksyon.
- Pumili ng app para ibahagi ang mga direksyon.
Magbahagi ng mapa o lokasyon sa iba
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app .
- Maghanap ng lugar o mag-drop ng pin sa mapa.
- Pindutin nang matagal ang mapa para mag-drop ng pin.
- Sa ibaba, i-tap ang pangalan o address ng lugar.
- I-tap ang Ibahagi .
- Pumili ng app para ibahagi ang mga direksyon.