Puwede mong gamitin at ibahagi ang Mga Plus Code para:
- Makakuha at gumamit ng simpleng digital na address.
- Tumukoy ng partikular na lokasyon para sa isang karaniwang address. Halimbawa, puwede kang tumukoy ng iba't ibang pasukan sa iisang gusali.
- Tumukoy ng partikular na lokasyon para tumanggap ng mga delivery, mag-access ng mga serbisyong pang-emergency at panlipunan.
Narito ang isang halimbawa ng Plus Code: JJXX+HR8, Seattle.
Hanapin at ibahagi ang Plus Code ng isang lokasyon
- Sa iyong computer, buksan ang Google Maps.
- I-click ang lokasyon kung saan mo kailangan ng Plus Code.
- Sa ibaba, sa box ng impormasyon, i-click ang mga coordinate.
-
Halimbawa: 53.339688, -6.236688.
-
- Para kopyahin ang code ng lokasyon, sa kaliwang panel, i-click ang Plus Code
.
- Para ibahagi ang lokasyon, i-paste ang Plus Code sa platform ng pagmemensahe na pipiliin mo.
Maghanap ng lokasyon gamit ang Plus Code
Para maghanap ng lokasyong may Plus Code:
- Sa iyong computer, buksan ang Google Maps.
- Sa itaas, sa box para sa paghahanap, ilagay ang Plus Code.
- Para maghanap ng bayan o lungsod kung saan hindi ka matatagpuan sa kasalukuyan: Maglagay ng Plus Code kasama ang pangalan ng bayan o lungsod. Halimbawa:
JJXX+HR8, Seattle. - Para maghanap ng bayan o lungsod kung nasaan ka sa kasalukuyan: Ilagay lang ang 6 o 7 digit na Plus Code. Halimbawa, kung nasa Seattle ka, puwede mong hanapin nang direkta ang
JJXX+HR8.
- Para maghanap ng bayan o lungsod kung saan hindi ka matatagpuan sa kasalukuyan: Maglagay ng Plus Code kasama ang pangalan ng bayan o lungsod. Halimbawa: