Gumawa o mag-import ng mga 360 na larawan

Maaari kang gumawa o mag-import ng mga 360 na larawan gamit ang Street View app. Kapag nag-import ka ng 360 na larawan, lalabas ito sa mapa kung saan makikita ito ng iba pang user. 

Tandaan: Maaari ka ring magdagdag ng mga 360 na larawan gamit ang mga app na ginawa ng ibang kumpanya. Para makita kung paano, tingnan ang website ng maygawa ng app.

Gumawa ng mga larawan gamit ang telepono

  1. Buksan ang Street View app Street View.
  2. I-tap ang Gumawa Magdagdag ng larawan.
  3. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Camera Kumuha ng larawan.
  4. Kumuha ng isang serye ng mga larawan.
  5. Sa ibaba, i-tap ang Tapos na Tapos na.
  6. Pagdurugtung-dugtungin at ise-save ang iyong 360 na larawan sa tab na "Pribado" sa telepono mo. Mase-save din ang larawan sa iyong telepono (maliban na lang kung na-off mo ang setting na ito).

Gumawa ng larawan gamit ang 360 camera

  1. I-set up at pagkonektahin ang iyong telepono at 360 camera.
  2. I-tap ang asul na naka-link na camera Street View camera .
  3. Sa tab na "Profile," tumingin sa kanang bahagi sa ibaba at may makikita kang asul na bilog na may orange na ring na umiikot dito sa tuwing may bagong 360 na larawang makukunan. Huwag idiskonekta o i-off ang camera hanggang sa makita mo ang lahat ng iyong larawan sa tab na “Profile.”

Awtomatikong kumuha ng mga larawan o gumamit ng HDR

Interval capture

Hinahayaan ka ng interval capture na awtomatikong kumuha ng maraming larawan, nang hindi na kinakailangang i-tap ang Camera sa pagkuha ng bawat larawan.

Tiyaking nakakonekta sa 360 camera ang iyong telepono.

  1. Buksan ang Street View app Street View.
  2. Sa tab na "Pribado," i-tap ang Higit Pa Higit pa.
  3. Sa tabi ng "Interval," i-on ang switch.
  4. I-tap ang asul na naka-link na camera Street View camera.
  5. Lumipat sa susunod na lokasyon.
  6. Para ihinto o i-pause ang interval capture, i-tap ang I-pause I-pause. Para simulang muli ang interval capture, i-tap ang I-pause I-pause.

Mga Paalala:

  • Inirerekomenda namin ang paggamit ng interval capture nang naka-helmet o naka-monopod.
  • Kapag kinukunan ang malalawak na lugar, tiyaking puno ang charge ng iyong telepono at mayroon itong sapat na memory upang i-store ang mga larawan mo. Kung gagamitin mo ang interval capture nang 50 minuto, makakakuha ka ng 300-400 larawan, na gagamit ng 3-4 GB ng espasyo sa memory.
  • Kukuha ng mga larawan tuwing humigit-kumulang 8 segundo. Tiyaking may agwat ang iyong mga larawan na dalawang maliit na hakbang sa pagitan ng isa't isa (1 m / 3 ft) kapag nasa loob ng gusali at limang hakbang na agwat (3 m / 10 ft) kapag nasa labas ng gusali. Upang maitama ang pagitan, hindi ka dapat tumakbo, magbisikleta, o magmaneho.
  • Tiyaking hindi mag-o-off ang camera hanggang sa lumabas ang iyong mga larawan sa tab na “Profile.”
Kumuha ng mga larawan gamit ang HDR

Pinagsasama-sama ng HDR (high dynamic range) ang tatlong larawang kinunan sa magkakaibang exposure upang makagawa ng isang larawang pinagsasama-sama ang pinakamagagandang aspeto ng bawat larawan.

Upang i-on ang HDR, sundin ang mga hakbang sa ibaba.

  1. Tiyaking nakakonekta sa 360 camera ang iyong telepono.
  2. Buksan ang Street View app Street View.
  3. Sa tab na "Pribado," i-tap ang Higit Pa Higit pa.
  4. Sa tabi ng "HDR," i-on ang switch.

Tandaan: Hindi makakakuha ng magagandang resulta ang setting na HDR kung gumagalaw ka habang kumukuha ng larawan.

Mga tip sa paggawa ng maraming 360 na larawan

  • Tiyaking puno ang charge ng iyong telepono at mayroon itong sapat na memory upang i-store ang mga larawan mo.
  • I-stabilize ang camera sa 1.20 - 1.80 m / 4 - 6 ft. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pagkakabit ng camera sa isang monopod, tripod, o helmet.
    • Monopod: Panatilihing nakapirmi ang monopod sa itaas ng iyong ulo at yumuko kapag kumukuha ka ng mga larawan.
    • Tripod: Lumayo bago kumuha ng mga larawan.
    • Helmet: Tiyaking hindi mo igagalaw ang iyong ulo kapag kumukuha ka ng mga larawan.
  • Bigyan ang mga larawan ng humigit-kumulang dalawang maliit na hakbang na agwat (1 m / 3 ft) kapag nasa loob ng gusali at limang hakbang na agwat (3 m / 10 ft) kapag nasa labas ng gusali.
  • Sundan ang mga natural na daan at lakaran upang magkaroon ng malinaw na linya ng paningin sa pagitan ng mga larawan.
  • Magsimulang kumuha ng mga larawan sa kalsada at ipagpatuloy ang pagkuha ng mga ito hanggang sa nasa loob ka na ng lugar.
  • Kapag kumukuha ng mga larawan sa loob ng gusali, limitahan ang iyong koleksyon sa 100 larawan.

Tip: Manood ng video tungkol sa paggawa ng mga 360 na larawan.

Mag-import ng mga 360 na larawan

Tandaan: Bago ka mag-import ng mga 360 na larawan, tiyaking ang mga larawan ay:

  • Hindi bababa sa 7.5MP (4K) na may 2:1 na aspect ratio
  • Hindi lalampas sa 75 megabytes ang laki
  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Street View app Street View.
  2. I-tap ang Gumawa Magdagdag ng larawan.
  3. Piliin ang Mag-import ng mga 360 na larawan I-download.
  4. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu Menu.
  5. Mag-import ng mga larawan mula sa Google Drive o Google Photos.
  6. Pumili ng isa o higit pang larawan. Kung pipili ka ng isang larawan, awtomatikong mai-import ito.
  7. Kung pumili ka ng maraming larawan, i-tap ang Buksan. Lalabas sa iyong tab na "Pribado" ang mga na-import na larawan.

Mag-save ng mga 360 na larawan sa iyong telepono

Kapag nag-upload ka ng larawan sa Street View, mase-save ang isang kopya sa iyong telepono. Mapipili mo kung aling folder ang gagamitin para mag-store ng mga larawan.

  1. Buksan ang Street View app.
  2. I-tap ang Menu Menu.
  3. I-tap ang Mga Setting at pagkatapos ay Lokasyon ng storage ng larawan.
  4. Pumili ng lokasyon para sa iyong mga larawan.
Sikat na equipment na ginagamit kasama ng isang DSLR system

Makakagawa ka ng mga 360 na larawan gamit ang isang DSLR camera at stitching software, tulad ng PTGui o Autopano, bago i-import ang mga ito sa Street View app.

DSLR camera Canon
  • Rebel series: XSi/450D, T1i/500D, T2i/550D, T3i/600D, T4i/650D, XS/1000D, t3/1100D
  • xxD series: 20D, 30D, 40D, 50D, 60D, 70D
  • xD series : 6D, 7D, 5D series
  Nikon
  • D5000, D5100
  • D90, D7000, D7100
  • D200, D300, D300s
  • D600, D700, D800, D810
Fisheye lens
  • Canon 8-15mm f/4L fisheye lens (Canon mount lang)
  • Sigma 8mm f/3.5 EX DG fisheye lens
Panoramic head
  • Nodal Ninja Ultimate R10 na may compact 90° rotator
  • 360Precision
  • Acratech Spherical Panoramic Head (Sigma lens lang)
  • Tom Shot 360 (Sigma lens lang)
Tripod na may ball head  
Remote na switch RS-60E3, RS-80N3, MC-30, MD-DC2
Nakatulong ba ito?
Paano namin mapapaganda ito?