Magdagdag ng shortcut o widget sa iyong home screen upang madaling makakuha ng impormasyon gamit ang Google Maps app.
Tingnan kung gaano katagal ang aabutin bago makarating sa bahay at trabaho
Idagdag ang widget na "Google Travel Times" upang makakita ng pagtatantya sa kung gaano katagal ang aabutin bago makarating sa bahay o sa trabaho. Puwede mo ring hanapin ang mga tagal ng biyahe papunta sa ibang lugar na na-save mo.
Para sa iOS 11 at mas bago ang mga tagubilin sa ibaba.
- Sa lock screen ng iyong iPhone o iPad, mag-swipe pakanan hanggang sa makakita ka ng listahan ng mga widget.
- Mag-scroll pababa at i-tap ang Edit.
- I-tap ang Add
Google Travel Times.
- I-tap ang Done. Pagkatapos mong idagdag ang widget, makikita mo ang mga tinantyang tagal ng biyahe sa iyong screen na "Today."
- Kung ita-tap mo ang Home o Work, makakakita ka ng mga direksyon papunta sa bahay o trabaho sa Google Maps app. Kung hindi mo nai-save ang iyong address sa bahay o trabaho, alamin kung paano itakda ang address mo sa bahay o trabaho.
- Para magdagdag ng iba pang naka-save na lugar, mula sa lock screen, mag-swipe sa widget na Google Travel Times
i-tap ang Edit shortcuts. Puwede kang magdagdag ng hanggang 3 pang lugar.
- Para magdagdag ng iba pang naka-save na lugar, mula sa lock screen, mag-swipe sa widget na Google Travel Times
- Opsyonal: Kung gumagamit ka ng 3D Touch, tiyaking:
- Gumagamit ka ng iPhone 6s o mas bago.
- Itatakda mo ang address ng iyong bahay o trabaho.
- Io-on mo ang Aktibidad sa Web at App.
- Io-on mo ang 3D Touch sa iyong iPhone. Para i-on ang 3D Touch, pumunta sa app na Settings
General
Accessibility
3D Touch
tiyaking naka-on ang switch.