Trapiko mula sa mga kaganapan sa malalapit na lugar

Makakakuha ka ng mga notification tungkol sa mga kaganapan sa malalapit na lugar o pagsasara ng kalsada kung sa palagay ng Google Maps ay maaari itong makaapekto sa isang rutang madalas mong dinaraanan.

Kung alam namin ang tungkol sa isang nakaiskedyul na kaganapan, makakakuha ka ng alerto nang mas maaga upang makapagplano ka ng ibang ruta. Halimbawa, kung may magaganap na concert kapag pauwi ka na mula sa trabaho, maaari kang makakuha ng notification isang araw bago ang concert. Matutunan kung paano i-on o i-off ang mga notification.

Tip: Upang tulungan kang maisaalang-alang ang mga kaganapan para sa plano mo, i-tap ang Makakuha ng Paalala at papaalalahanan ka ng Google Maps tungkol sa kaganapan kapag malapit na itong magsimula.

Nakatulong ba ito?
Paano namin mapapaganda ito?