Mag-ambag sa Google Maps at makakuha ng mga puntos

Mag-sign up upang maging Local Guide at makakuha ng mga puntos para sa pag-aambag ng content sa Google Maps. Mag-ipon ng mga puntos para mapataas ang iyong antas at makatanggap ng mga benepisyo para sa Local Guide. Matuto pa tungkol sa mga puntos at antas sa Local Guides.

Paano makakuha ng mga puntos

Maaari kang makakuha ng mga puntos sa siyam na paraan. Alamin kung paano:

Tingnan ang breakdown ng iyong mga puntos

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Maps app Google Maps.
  2. I-tap ang Menu Menu at pagkatapos ay Ang iyong mga kontribusyon.
  3. Mag-tap sa iyong pangalan.
  4. Lalabas ang mga puntos mo sa iyong profile. Pagkatapos mong makagawa ng kontribusyon, maaaring abutin nang hanggang 24 na oras bago lumabas sa iyong profile ang mga puntos mo.

Paalala: Bilang isang Local Guide, maaaring tumaas ang iyong antas kapag nakakuha ka ng mas maraming puntos. Matuto tungkol sa mga pakinabang sa bawat antas.

Maghanap ng content na maiaambag

Makakakita ka ng listahan ng mga bagay na magagawa mo upang makapag-ambag sa Google Maps. Ilang bagay sa listahan:

  • Mga lugar na ire-review
  • Mga larawang idaragdag
  • Mga tanong na sasagutin tungkol sa isang lugar
  • Mga lugar na may impormasyong kailangang i-verify, gaya ng mga oras ng negosyo o pagsasara

Para humanap ng mga maiaambag sa Google Maps, sundin ang mga hakbang sa ibaba.

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Maps app Google Maps.
  2. I-tap ang Menu Menu at pagkatapos ay Ang iyong mga kontribusyon at pagkatapos ay Mag-ambag.

Maglagay ng shortcut sa iOS para mabilisang makapagdagdag ng mga larawan o makapagsulat ng mga review

Mga Paalala:

  • Available ang feature na ito sa iOS 10 at mas bago.
  • Hindi ka maaaring magsulat ng review o magdagdag ng larawan kahit saan. Kung hindi mo ito maaaring gawin sa iyong kasalukuyang lokasyon, makikita mo lang ang iyong antas bilang Local Guide.

1. Sa lock screen ng iyong iPhone o iPad, mag-swipe pakanan hanggang sa makakita ka ng listahan ng mga widget.

Mag-swipe pakanan

 

2. Mag-scroll pababa at i-tap ang Edit.

Mag-swipe pataas

I-tap ang i-edit

 

3. I-tap ang Add Magdagdag "Google Local Guides."

Idagdag ang widget

 

4. I-tap ang Done. Sa iyong view na Today, maaari kang magdagdag ng impormasyon tungkol sa kasalukuyan mong lokasyon.

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?
Paano namin mapapaganda ito?