Gamitin ang Google Assistant habang nagna-navigate

 

Makakakita ka ng impormasyon at makakagawa ka ng mga bagay-bagay gamit ang iyong Google Assistant habang nagmamaneho ka. Magtanong dito at sabihan itong gumawa ng mga bagay-bagay sa Google Maps para makatutok ka sa daan.

Tandaan: Hindi available ang feature na ito sa lahat ng wika at bansa/rehiyon. 

Makipag-usap sa iyong Google Assistant

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app Google Maps. Kung hindi mo pa nagagamit ang Google Assistant, i-set up ang Google Assistant.
  2. Mag-navigate sa isang lugar, o sabihin ang "Ok Google, mag-navigate pauwi."
  3. Sa navigation mode, sabihin ang “Ok Google” o i-tap ang mikropono ng Assistant Mikropono.
  4. Magpatulong sa Google Assistant sa isang bagay.

Ang puwede mong ipagawa sa iyong Google Assistant

  • "Tawagan si Nanay"
  • "Magpadala ng text kay Lito" o "Magpadala ng SMS kay Manuel"
  • "Sinusuwerte ako"
  • "Ano'ng lagay ng panahon?" o "Ano'ng lagay ng panahon sa Baguio?"
  • "Magpatugtog ng jazz" o "Ihinto ang pagpapatugtog ng music"
  • "Kailan ang susunod kong meeting?"
  • "Nasaan si [pangalan ng contact]?"

Paglalakbay at mga kalapit na lugar

  • "Anong kalsada ito?"
  • "Mga gasolinahan sa malapit"
  • "Kailan magsasara ang [pangalan ng lugar]?"
  • "Ipakita ang overview ng ruta" o "Magpakita ng mga alternatibong ruta"
  • "Mga kalapit na restaurant"

Mga direksyon at navigation

  • "Ano'ng susunod kong liko?" o "Susunod na hakbang"
  • "Gaano katagal bago ako makarating?"
  • "Kamusta ang traffic?" o "Kamusta ang trapiko pauwi?"
  • "Ipakita ang traffic" o "Itago ang traffic"
  • "Ipakita ang satellite view" o "Itago ang satellite view"
  • "Umiwas sa mga toll" o "I-enable ang mga toll"
  • "I-mute ang gabay na boses" o "I-unmute ang gabay na boses"
  • "Igitna ulit"
  • “Magpakita ng listahan ng mga direksyon"
  • "Umiwas sa mga highway" o "I-enable ang mga highway"
  • "Ano'ng pupuntahan ko?" o "Gaano kalayo ang pupuntahan ko?"
  • "Lumabas sa navigation"
  • "Nasaan ako?"
  • "Nakarating na ba tayo?"
  • "Tulong"

Puwede ka ring magtanong ng impormasyon sa Google Assistant o magpatulong dito sa mga gawain sa araw-araw. Alamin kung ano pa ang puwede mong itanong.
 

 

Nakatulong ba ito?
Paano namin mapapaganda ito?