Makikita mo kung ano ang hitsura ng loob ng ilang lugar bago ka bumisita. Sa Google Maps, makikita mo:
- Ang loob ng mga lugar gaya ng mga tindahan, paliparan, o hotel.
- Ang mga larawan ng mga lugar na na-upload ng ibang tao.
Upang makita ang loob ng isang lugar, sundin ang mga hakbang sa ibaba.
- Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Maps app .
- Sa itaas, i-tap ang box para sa paghahanap at mag-type ng pangalan ng isang lugar o address.
- Sa ibaba, i-tap ang pangalan ng lugar o address.
- Mag-scroll hanggang sa makakita ka ng mga larawan at mag-tap sa isang 360 na larawan. Tandaan: May simbolong Street View and mga 360 na larawan
- Para tumingin ng higit pang larawan ng lokasyong ito, i-tap ang Mga Larawan.
Tandaan: Hindi available sa lahat ng lokasyon ang mga 360 na larawan.
I-explore ang loob ng isang lugar
- Para maglakad paabante o paatras, i-tap ang mga puting arrow.
- Para mag-pan pakaliwa o pakanan, i-swipe ang screen.