Mag-save ng mga paboritong lugar

I-save ang iyong mga paboritong lugar sa Maps para madaling mahanap ang mga ito sa anumang computer, teleono, o tablet.

Mga Tip:

Mag-save ng lugar
Puwede mong idagdag ang iyong mga paboritong lugar sa isang listahan para madaling mahanap ang mga ito sa ibang pagkakataon. Ang pag-save ng lugar ay iba sa pag-download ng offline na lugar o pagdaragdag ng lugar. Alamin kung paano mag-download ng offline na lugar o magdagdag ng lugar sa Google Maps.

Para mag-save ng lugar:

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app Maps.
  2. Maghanap ng lugar, mag-tap ng pananda, o pindutin nang matagal ang isang lugar sa mapa.
  3. Sa ibaba ng screen, i-tap ang pangalan o address ng lugar.
  4. I-tap ang I-save I-save ang lugar at pumili ng listahan. 

Ikaw lang ang makakahanap sa iyong mga naka-save na lugar, maliban na lang kung gagawa at magbabahagi ka ng listahan ng mga lugar. Puwedeng ibahagi ng Google nang anonymous ang pinagsama-samang impormasyon tungkol sa mga naka-save na lugar ng mga user.

Hanapin ang iyong mga naka-save na lugar
  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app Maps.
  2. I-tap ang Naka-save I-save ang lugar.
  3. Sa ilalim ng "Iyong mga listahan," pumili ng listahan.
Maghanap ng naka-save na lugar
  1. Para ipakita ang mga naka-save na lugar habang naghahanap ka, i-on ang Aktibidad sa Web at App.
  2. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app Maps.
  3. I-tap ang box para sa paghahanap.
  4. Ilagay ang pangalan ng na-save mong lugar.
  5. I-tap ang suhestyon sa paghahanap para sa lugar.
Kumuha ng mga direksyon papunta sa naka-save na lugar
  1. Para ipakita ang mga naka-save na lugar habang naghahanap ka, i-on ang Aktibidad sa Web at App.
  2. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app Maps.
  3. I-tap ang Naka-save I-save ang lugar.
  4. Hanapin ang iyong naka-save na lugar at i-tap ito.
  5. I-tap ang Mga Direksyon Mga Direksyon.
Mag-delete ng naka-save na lugar
  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app Maps.
  2. I-tap ang Naka-save I-save ang lugar.
  3. Sa listahan kung saan kasama ang lugar na gusto mong alisin, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay I-edit ang listahan.
  4. Sa tabi ng lugar na gusto mong alisin, i-tap ang Alisin Alisin.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17774125108398772904
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
76697
false
false