Mga hakbang sa pagpapadala sa amin ng feedback

Palagi kaming naghahanap ng mga paraan upang mapahusay ang Google Maps at ikalulugod naming malaman ang iyong saloobin. Sabihin sa amin kung ano ang gusto mo, hindi mo gusto, o ang mga bug na iyong nakita. Kung sa tingin mo ay may dapat alisin dahil sa mga legal na bagay, magsumite ng legal na kahilingan.

Mga uri ng feedback na maaari mong ipadala

Kapag nagpadala ka ng feedback, may tatlong bagay ka na maaaring sabihin sa amin:

Magpadala ng feedback tungkol sa Maps

Upang masabi sa amin ang iyong karanasan sa paggamit ng Maps, sundin ang mga hakbang sa ibaba.

  1. Buksan ang Google Maps at siguraduhing naka-sign in ka.
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Menu Menu.
  3. I-click ang Magpadala ng feedback.
    Tandaan: Kung ginagamit mo ang Maps sa Lite mode, Magpadala ng pangkalahatang feedback ang makikita mo.
  4. Piliin ang Iyong mga opinyon tungkol sa Maps.
  5. Para magdagdag ng screenshot sa iyong feedback, sundin ang mga tagubilin.
  6. I-click ang Ipadala.

Mga tip para sa pagbibigay ng magandang feedback

  • Maging partikular hangga't maaari. Kung hindi ka sigurado kung ano ang tawag sa isang bagay, maaari mo na lang itong ilarawan. Kapag mas marami kaming nalalaman, mas malamang na maaayos namin iyon.
  • Maglagay ng maraming impormasyon hangga't maaari. Sabihin sa amin kung ano ang ginagawa mo noon, ano ang nangyari at ano ang inasahan mo.
Nakatulong ba ito?
Paano namin mapapaganda ito?