Gamitin ang Street View sa Google Maps

Puwede mong i-explore ang mga landmark at natural wonder sa mundo, at i-experience ang mga lugar na tulad ng mga museo, arena, restaurant, at maliit na negosyo sa Street View. Puwede mong gamitin ang Street View sa Google Maps at ang gallery ng Street View.

Tuklasin kung saan available ang Street View.

Simulan ang paggamit ng Street View sa Google Maps

Para i-access ang mga larawan sa Street View:

  • Maghanap ng lugar o address sa Google Maps.
  • I-drag ang Pegman sa isang lugar sa mapa.
  • Maghanap ng lugar o address sa Google search.
Maghanap ng lugar o address sa Google Maps
  1. Buksan ang Google Maps.
  2. Maghanap ng lugar o mag-click ng pananda ng lugar sa mapa.
  3. Sa kaliwa, piliin ang larawan na may icon ng Street View 360 na larawan.
  4. Kapag tapos ka na, pumunta sa kaliwang bahagi sa itaas at i-click ang Bumalik Bumalik.
Gamitin ang Pegman
  1. Buksan ang Google Maps.
  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang Pegman Pegman.
  3. Pagkatapos, i-drag ang Pegman sa bahaging gusto mong i-explore.
  4. I-unclick para i-drop ang Pegman sa isang asul na linya, asul na tuldok, o kulay orange na tuldok sa mapa.
  5. Kapag tapos ka na, pumunta sa kaliwang bahagi sa itaas at i-click ang Bumalik Bumalik.
Gamitin ang Google Search
  1. Buksan ang Google search.
  2. Maghanap ng lugar o address.
  3. I-click ang larawang may label na "Tingnan ang labas."

Maghanap ng koleksyon ng imahe sa level ng kalye mula sa iba pang petsa

Puwede kang makakita ng koleksyon ng imahe sa level ng kalye na kinunan sa iba't ibang panahon mula sa mga archive ng Street View at iba pang contributor. Halimbawa, puwede mong i-explore kung paano nagbago ang iyong komunidad sa paglipas ng panahon.

  1. I-drag si Pegman sa mapa.
  2. I-click ang Tumingin pa ng mga petsa.
  3. Sa ibaba, mag-scroll sa gallery ng thumbnail para bumalik pa sa nakaraan.
  4. Para lumabas sa Street View, pumunta sa kaliwang bahagi sa itaas at i-click ang Bumalik Bumalik.

Tandaan: Posibleng hindi available ang dating koleksyon ng imahe para sa bawat lugar na may Street View.

I-explore ang Street View

  • Para mag-ikot-ikot, itapat ang iyong cursor sa direksyong gusto mong puntahan. Magiging arrow ang iyong cursor na nagpapakita kung saang direksyon ka papunta.
  • Para makita kung saan ka posibleng susunod na pumunta, hanapin ang X. Mag-click nang isang beses para pumunta sa X.
  • Para mag-explore, i-drag ang iyong mouse sa paligid. Puwede mo ring gamitin ang mga arrow na nasa kaliwa at kanan ng compass.
  • Para mag-zoom in o out, mag-scroll gamit ang iyong mouse o mag-zoom gamit ang dalawang daliri sa pamamagitan ng touchpad. Puwede mo ring gamitin ang + at sa ibaba ng compass.
  • Para iposisyon sa hilaga ang iyong Street View, pumunta sa kanang bahagi sa ibaba at i-click ang compass.
  • Para magpalipat-lipat sa mga kalye, pumunta sa window na "Bumalik sa Mapa" sa kaliwang bahagi sa ibaba at i-click ang mga rutang naka-highlight nang asul.

I-preview ang mga direksyon sa Street View

Mahalaga: Para kumuha ng mga direksyon sa Street View, i-click ang Mga Direksyon Mga Direksyon. Pagkatapos, ilagay ang mga panggagalingan at pupuntahang destinasyon.

  1. Sa iyong computer, sa ilalim ng rutang gusto mo, i-click ang Mga Detalye.
  2. Para kumuha ng mga mas detalyadong direksyon, i-click ang I-expand I-expand.
  3. Tumuro sa isang hakbang sa mga direksyon. Kung available ang Street View, makakakuha ka ng preview na larawan.
  4. Para kunin ang Street View para sa hakbang na gusto mo, i-click ang larawan.
    • Para kunin ang Street View para sa iba pang hakbang sa ruta, sa kahon sa kaliwang bahagi sa ibaba, i-click ang Nakaraang hakbang o Susunod na hakbang.
    • Para lumabas sa preview, sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Isara Isara.

Mag-ulat ng isyu sa Street View

Para mag-ulat ng larawang dapat i-censor o posibleng nakakapanakit:
  1. Hanapin ang larawan.
  2. I-click ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mag-ulat ng problema.
  3. Piliin ang isyu at i-click ang Isumite.
  4. Agad naming susuriin ang iyong ulat.

Mga kaugnay na resource

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
7603491472425406534
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
76697
false
false