Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu

Hanapin at gawing mas tumpak ang iyong lokasyon

Kung minsan, maaaring magkaproblema ang Google Maps sa paghanap sa iyong lokasyon. Kung hindi tumpak ang lokasyon ng iyong kulay asul na tuldok sa mapa o kung hindi ito lumalabas, narito ang ilang bagay na magagawa mo upang makatulong na maayos ang problema.

Tingnan ang iyong kasalukuyang lokasyon sa mapa

Upang makita ang iyong lokasyon sa mapa, sundin ang mga hakbang sa ibaba.

  1. Buksan ang Google Maps.
  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang Iyong lokasyon . Ipinapakita ng asul na tuldok ang iyong kinaroroonan.

Paano hinahanap ng Maps ang iyong kasalukuyang lokasyon

Tinatantya ng Maps ang iyong kinaroroonan mula sa mga pinagmumulan tulad ng:

Bigyan ng pahintulot sa lokasyon ang Maps sa iyong browser

Upang igitna ang mapa kung nasaan ka, kailangan mong bigyan ng pahintulot ang Maps na makita ang iyong lokasyon.

Chrome
  1. Buksan ang Chrome at pumunta sa Google Maps.
  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang Iyong lokasyon .
  3. Kung may makikita kang mensahe na nagsasaad na "Walang pahintulot ang Google Maps na gamitin ang iyong lokasyon," sundin ang mga hakbang sa ibaba.
  4. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Menu .
  5. I-click ang Mga Setting > Ipakita ang mga advanced na setting.
  6. Sa seksyong "Privacy," i-click ang Mga setting ng content.
  7. Sa dialog na lalabas, mag-scroll pababa sa seksyong "Lokasyon." Piliin ang isa sa mga pahintulot na ito:
    • Payagan ang lahat ng site na subaybayan ang iyong pisikal na lokasyon: Piliin ang opsyong ito upang hayaan ang lahat ng site na awtomatikong makita ang iyong lokasyon.
    • Magtanong kapag may site na sinusubukang subaybayan ang iyong pisikal na lokasyon: Piliin ang opsyong ito kung gusto mong alertuhan ka ng Google Chrome sa tuwing gustong makita ng isang site ang iyong lokasyon.
  8. I-click ang Tapos na.
Firefox
  1. Buksan ang Firefox at pumunta sa Google Maps.
  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang Iyong lokasyon .
  3. Kapag hiniling na ibahagi ang iyong lokasyon, piliin ang Palaging ibahagi ang lokasyon.
Safari
  1. Buksan ang Safari at pumunta sa Google Maps.
  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang Iyong lokasyon .
  3. Kapag hiniling na ibahagi ang iyong lokasyon, piliin ang Payagan.

Maaaring hilingin sa iyong baguhin ang mga setting ng iyong lokasyon sa iyong computer bago mo i-on ang mga ito para sa Safari. Upang magawa ito:

  1. Buksan ang Mga Kagustuhan sa System > Mga Kagustuhan sa Seguridad at Privacy > Privacy > Mga Serbisyo ng Lokasyon.
  2. Upang payagan ang mga pagbabago, i-click ang lock sa kaliwang bahagi sa ibaba.
  3. Lagyan ng check ang "I-enable ang Mga Serbisyo ng Lokasyon."
Internet Explorer
  1. Buksan ang Internet Explorer at pumunta sa Google Maps.
  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang Iyong lokasyon .
  3. Kung hihilingin sa iyong ibahagi ang iyong lokasyon, i-click ang Payagan nang isang beses o Mga opsyon para sa site na ito > Payagan palagi.
  4. Kung may makikita kang mensaheng nagsasaad na "Walang pahintulot ang Google Maps na gamitin ang iyong lokasyon," pumunta sa toolbar ng iyong browser at i-click ang Mga Setting > Privacy > sa ilalim ng "Lokasyon," i-click ang I-clear ang Mga Site.

Higit pang mga paraan upang maging tumpak ang lokasyon

Kung may makukuha kang error tulad ng "Hindi matukoy ang iyong lokasyon" o kung mali pa rin ang iyong lokasyon, narito ang ilang bagay na maaari mong subukan:

  • I-refresh ang iyong browser (tulad ng Chrome, Firefox o Safari).
  • Suriin upang matiyak na mayroon kang mahusay na koneksyon sa Internet.
  • I-double check ang mga setting ng pahintulot ng iyong browser gamit ang mga tagubilin sa itaas.
  • I-restart ang iyong computer.
Kapaki-pakinabang ba ang artikulong ito?