Notification

Naghananap ka ba ng tulong para sa Google My Business? Kung oo, bisitahin ang Google My Business Help Center.

Magdagdag, mag-delete, o magbahagi ng mga larawan o video sa Google Maps

Para mapahusay ang Google Maps at maibahagi ang mga paborito mong larawan at video hanggang 30 segundo ang haba, idagdag ang mga iyon sa Google Maps. Puwede mong idagdag o alisin ang mga iyon anumang oras. Hindi ka puwedeng magdagdag ng mga larawan o video sa mga address o coordinate.

Kapag nag-post ka ng mga larawan, makikita rin ng iba ang:

Tip: Kung isa kang Local Guide, puwede kang makakuha ng mga puntos kapag nagdagdag ka ng mga larawan at video sa Google Maps. Alamin kung paano magbigay ng mga de-kalidad na review at larawan.

Magdagdag ng mga larawan o video sa Google Maps

Puwede kang magdagdag ng media gaya ng mga larawan at video ng mga kawili-wiling lugargaya ng mga negosyo o parke. Hindi ka puwedeng magdagdag ng media sa:

  • Mga Address
  • Mga Coordinate
  • Mga pribadong tirahan
  • Mga geographical na lugar

Matuto pa tungkol sa mga photo update para sa mga lugar

Tip: Para magbigay-proteksyon laban sa mga pagtatangkang mang-abuso, may mga pansamantalang paghihigpit sa pag-post ang ilang kawili-wiling lugar. Matuto pa tungkol sa mga paghihigpit sa pag-post.

 

Magdagdag ng mga larawan o video mula sa "Mag-ambag"

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Maps app Maps.
  2. I-tap ang Mag-ambag Mag-ambag at pagkatapos ay Magdagdag ng larawan.
    • Para mag-post ng larawan o video: I-tap ang isa o higit pang larawan o video.
    • Para mag-edit ng lokasyon ng larawan o video: I-tap ang pangalan ng lugar, pagkatapos ay pumili ng ibang lugar.
  3. I-tap ang I-post.

Magdagdag ng mga larawan o video mula sa page ng lugar

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Maps app Maps.
  2. Maghanap ng lugar o i-tap ito sa mapa.
  3. Para makakuha ng higit pang impormasyon, sa ibaba, i-tap ang pangalan o address ng lugar.
  4. I-tap ang Mga Larawan at pagkatapos ay Magdagdag ng mga larawan.
  5. Piliin kung ano ang gusto mong gawin:
    • Pumili ng larawan o video mula sa iyong gallery: Pumili ng isa o higit pang larawan o video.
    • Kumuha ng bagong larawan o video: I-tap ang Camera, pagkatapos ay i-tap ang shutter.

Tip: Para makakuha ng mga suhestyon para sa mga larawan o video na idaragdag sa Google Maps, tiyaking na-install mo na ang Google Photos app at naka-on ang pag-back up at pag-sync at History ng Lokasyon. Para mag-alis ng suhestyon, i-tap ang I-clear.

Magdagdag ng mga larawan o video mula sa Google Photos o sa iyong Gallery app

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Gallery app mo o ang Google Photos Photos.
  2. Pumili ng larawan o video.
  3. I-tap ang Ibahagi Ibahagi at pagkatapos ay I-post sa Google Maps Maps .
    • Kung hindi mo mahanap ang opsyong iyon, i-tap ang Higit pa 더보기 at pagkatapos ay I-post sa Google Maps Maps at pagkatapos ay Tapos na.
  4. Piliin kung saan magpo-post:
    • Kung malinaw kung saan galing ang iyong larawan o video, pipili ng lugar ang Google Maps para sa iyo.
    • Kung hindi, i-tap ang Pumili ng lugar at maghanap ng address o lugar.
  5. I-tap ang I-post.

Hanapin ang iyong mga larawan o video sa Google Maps

Para makita ang lahat ng larawang ibinahagi mo sa Google Maps:

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Maps app Maps.
  2. I-tap ang Mag-ambag Mag-ambag at pagkatapos ay Tingnan ang mga kontribusyon.

Mag-delete ng mga larawan o video sa Google Maps app

Awtomatiko ring dine-delete sa Google Search ang mga larawan o video na dine-delete mo sa Google Maps.

Para mag-delete ng larawan o video:

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google Maps app Maps.
  2. I-tap ang Mag-ambag Mag-ambag at pagkatapos ay Tingnan ang mga kontribusyon.
  3. Piliin ang larawan o video na gusto mong i-delete.
  4. I-tap ang Higit pa 더보기 at pagkatapos ay I-delete ang larawang ito.

Ang mga larawan o video na ide-delete mo sa Google Maps ay hindi awtomatikong inaalis sa:

Magdagdag o mag-delete ng mga larawan o video sa Profile ng Negosyo

Kung isa kang may-ari ng negosyo at na-verify mo na ang iyong negosyo, alamin kung paano magdagdag ng larawan o mag-delete ng larawan ng negosyo mo.

I-on o i-off ang pag-autoplay ng video

  1. I-tap ang icon ng profile Account Circle at pagkatapos ay Mga Setting Settings at pagkatapos ay Mga setting ng video.
  2. Para i-on o i-off ang autoplay, i-tap ang toggle.

Mag-ulat ng mga larawan o video sa Google Maps

Mahalaga: Para mapigilan ang mga lumalabag sa patakaran na gumamit ng Google Maps, mino-moderate namin ang content ng user. Susuriin at aalisin ang anumang paglabag na mahahanap namin. Matuto pa tungkol sa patakaran sa content na binuo ng user ng Google Maps.

Kung may makita kang kahit ano sa Google Maps na hindi naaangkop o hindi tumpak, puwede mo itong ipaalam sa amin.

  1. Maghanap ng lugar o i-tap ito sa mapa.
  2. Mag-scroll papunta sa seksyon ng mga larawan, pagkatapos ay piliin ang larawan o video na gusto mong iulat.
  3.  I-tap ang Higit pa 더보기 at pagkatapos ay Iulat ang larawang ito.
  4. Piliin ang dahilan para sa iyong ulat.

Matuto pa tungkol sa Patakaran sa Content na Mula sa User ng Maps.

Tip: Puwede mong hilinging mag-alis ng mga larawan kung isa kang may-ari ng negosyo. Matuto pa tungkol sa mga kahilingan sa pag-delete ng larawan.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3713284970511120397
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
76697
false
false