Notification

Naghananap ka ba ng tulong para sa Google My Business? Kung oo, bisitahin ang Google My Business Help Center.

Magdagdag, mag-delete, o magbahagi ng mga larawan o video sa Google Maps

Para mapahusay ang Google Maps at maibahagi ang mga paborito mong larawan at video hanggang 30 segundo ang haba, idagdag ang mga iyon sa Google Maps. Puwede mong idagdag o alisin ang mga iyon anumang oras. Hindi ka puwedeng magdagdag ng mga larawan o video sa mga address o coordinate.

Kapag nag-post ka ng mga larawan, makikita rin ng iba ang:

Tip: Kung isa kang Local Guide, puwede kang makakuha ng mga puntos kapag nagdagdag ka ng mga larawan at video sa Google Maps. Alamin kung paano magbigay ng mga de-kalidad na review at larawan.

Magdagdag ng mga larawan o video sa Google Maps

Puwede kang magdagdag ng media gaya ng mga larawan at video ng mga kawili-wiling lugargaya ng mga negosyo o parke. Hindi ka puwedeng magdagdag ng media sa:

  • Mga Address
  • Mga Coordinate
  • Mga pribadong tirahan
  • Mga geographical na lugar
Matuto pa tungkol sa pagdaragdag ng mga kapaki-pakinabang na photo update para sa mga lugar.

Tip: Para magbigay-proteksyon laban sa mga pagtatangkang mang-abuso, may mga pansamantalang paghihigpit sa pag-post ang ilang kawili-wiling lugar. Matuto pa tungkol sa mga paghihigpit sa pag-post.

Magdagdag ng mga larawan o video mula sa page ng isang lugar

  1. Sa iyong computer, buksan ang Google Maps.
  2. Maghanap ng lugar.
  3. Pagkatapos mong pumili ng lugar, mag-scroll pababa.
  4. I-click ang Magdagdag ng media at pagkatapos ay Google Photos.
  5. Piliin ang mga larawan o video na gusto mong i-upload.
  6. I-click ang Piliin.

Mga Tip:

  • Puwede kang magdagdag ng mga larawan at video para sa mga kawili-wiling lugar, tulad ng mga negosyo o parke.
  • Puwede ka lang mag-upload ng mga video mula sa tab ng Google Photos.

Magdagdag ng mga larawan o video mula sa “Ang iyong mga kontribusyon”

  1. Sa iyong computer, buksan ang Google Maps.
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Menu Menu at pagkatapos ay Ang iyong mga kontribusyon.
  3. Sa ilalim ng tab na “Mag-ambag,” i-click ang Idagdag ang iyong mga larawan sa Maps. Makukuha mo lang ang opsyong ito kung kumuha ka ng mga larawan o video sa iyong telepono at mahanap namin ang kanilang lokasyon.
    • Para mag-post ng larawan o video: I-click ang isa o higit pang larawano video.
    • Para mag-edit ng lokasyon ng larawan o video: I-click ang pangalan ng lugar, pagkatapos ay pumili ng ibang lugar.
  4. Sa itaas, i-click ang I-post I-post.

Tip: Tiyaking naka-on ang History ng Lokasyon.

Hanapin o limitahan ang iyong mga larawan o video

Hanapin ang iyong mga larawan o video

Para mahanap ang mga larawan o video na ibinahagi mo sa Google Maps:

  1. Sa iyong computer, buksan ang Google Maps.
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Menu Menu at pagkatapos ay Ang iyong mga kontribusyon.
  3. Piliin ang Mga Larawan.

Tip: Makikita ng ibang tao na gumagamit ng Google Maps ang iyong mga larawan, video, at review sa “Iyong mga kontribusyon.” Mayroong link sa “Iyong mga kontribusyon” sa lahat ng review at larawan o video na isinumite mo.

Alamin kung paano lumalabas ang iyong profile sa publiko

Binubuo ng iyong mga review, nakabahaging larawan o video, at pag-usad sa Local Guides ang profile mo sa Google Maps. Pampubliko ang iyong profile, kaya matutuklasan ng ibang user ang listahan ng mga lugar na na-rate at na-review mo. Para malaman kung paano lumalabas ang iyong profile para sa iba:

  1. Sa iyong computer, buksan ang Google Maps.
  2. Sa kaliwa, i-click ang Menu Menu at pagkatapos ay Ang iyong mga kontribusyon.
  3. I-click ang Mag-ambag at pagkatapos ay Mga setting ng profile.
  4. I-click ang Tingnan ang iyong pampublikong profile.

Paghigpitan ang mga larawan o video sa iyong profile

Puwede mong paghigpitan kung aling mga nakabahaging larawan at video ang mahahanap ng iba sa iyong pampublikong profile. Mahahanap mo pa rin ang iyong larawan o video, rating, o review sa page ng lugar na iyon, maliban na lang kung ide-delete mo ito nang direkta.

  1. Sa iyong computer, buksan ang Google Maps.
  2. Sa kaliwa, i-click ang Menu Menu at pagkatapos ay Ang iyong mga kontribusyon.
  3. I-click ang Mag-ambag at pagkatapos ay Mga setting ng profile.
  4. Para paghigpitan ang iyong mga larawan o video, pumili ng isa:
    • I-off ang Ipakita ang mga post mo sa iyong profile.
    • I-on ang Pinaghihigpitang profile.

Hindi na ipapakita sa iyong profile ang mga kontribusyon mo.

Magbahagi ng mga larawan at video

  1. Sa iyong computer, buksan ang Google Maps.
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Menu Menu at pagkatapos ay Ang iyong mga kontribusyon.
  3. Piliin ang Mga Larawan.
  4. Hanapin ang larawan o video na gusto mong ibahagi.
  5. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Ibahagi.

Mag-delete ng mga larawan o video

Ang mga larawan o video na idinagdag mo sa Google Search ay puwedeng i-delete sa Google Maps. 

  1. Sa iyong computer, buksan ang Google Maps.
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Menu Menu at pagkatapos ay Ang iyong mga kontribusyon.
  3. I-click ang tab na "Mga Larawan" para tingnan ang iyong mga iniambag na larawan o video.
  4. Para mag-delete ng larawan o video, i-click ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay I-delete ang larawang ito.

Kung magde-delete ka ng mga larawan o video sa Google Maps, aalisin din ang mga iyon sa Google Search. Ang mga larawan at video na ide-delete mo sa Google Maps ay hindi inaalis sa:

Tip: Puwedeng tumagal nang ilang minuto ang pag-delete ng mga larawan o video. Kung hindi mag-a-update kaagad ang iyong mga pagbabago, isara ang "Iyong mga kontribusyon" at buksan ulit ito.

Magdagdag o mag-delete ng mga larawan o video sa Profile ng Negosyo

Kung isa kang na-verify na may-ari ng negosyo, puwede kang magdagdag o mag-delete ng mga larawan ng iyong negosyo

I-on o i-off ang pag-autoplay ng video

  1. I-tap ang icon ng profile Account Circle at pagkatapos ay Mga Setting Settings at pagkatapos ay Mga setting ng video.
  2. Para i-on o i-off ang autoplay, i-tap ang toggle.

Mag-ulat ng mga larawan o video sa Google Maps

Mahalaga: Para mapigilan ang mga lumalabag sa patakaran na gumamit ng Google Maps, mino-moderate namin ang content ng user. Susuriin at aalisin ang anumang paglabag na mahahanap namin. Matuto pa tungkol sa patakaran sa content na binuo ng user ng Google Maps.

Kung may makita kang kahit ano sa Google Maps na hindi naaangkop o hindi tumpak, puwede mo itong ipaalam sa amin.

  1. Maghanap ng lugar o i-click ito sa mapa.
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang malaking larawan para buksan ang photo gallery.
  3. I-click ang larawan o video na gusto mong iulat.
  4. Sa kaliwang bahagi, i-click ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mag-ulat ng problema.

Matuto pa tungkol sa Patakaran sa Content na Mula sa User ng Maps.

Tip: Kung may-ari ka ng negosyo, puwede mong hilinging mag-alis ng larawan. Matuto pa tungkol sa mga kahilingan sa pag-delete ng larawan.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3028931637176903237
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
76697
false
false