Kumukuha ang mga sasakyan ng Google Street View ng mga larawan mula sa mga pampublikong kalsada, kung saan posibleng kasama ang bahay mo. Kung may hindi naaangkop na content ang isang larawan, o mas gusto mong huwag ipakita ang iyong bahay, puwede mo itong ipa-blur. Kapag na-blur ng Google ang iyong bahay, permanente na ang pag-blur. Ang may-ari ng bahay o tenant lang ang kwalipikadong mag-request ng pag-blur ng bahay. Dagdag pa rito, gumagamit ang Google ng makabagong teknolohiya na idinisenyo para i-blur ang mga nakikilalang mukha at plate number sa koleksyon ng larawan sa Street View.
Computer
Para ma-blur ang Google Street View, dapat kang magpadala ng request.
- Hanapin ang bahay mo sa Google Maps.
- Buksan ang larawan sa Street View na gusto mong i-blur.
- Sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang “Mag-ulat ng Problema.”
- Sagutan ang form ng Mag-ulat ng Problema at isumite ito.
Susuriin namin ang iyong ulat sa bilis na aming makakaya. Kung inilagay mo ang iyong email address sa form, puwede kaming makipag-ugnayan sa iyo para humingi ng karagdagang impormasyon o bigyan ka ng update tungkol sa status ng ulat mo.
Android / iOS