I-share ang iyong real-time na lokasyon sa iba sa Google Maps

Puwede mong piliin kung sino ang makakakita sa iyong lokasyon at kung gaano katagal mo itong ise-share sa Google Maps. Gumagana ang Pag-share ng Lokasyon kahit naka-off ang Timeline.

Kapag na-share mo ang iyong lokasyon sa mga tao sa Google Maps, palagi nilang makikita ang mga sumusunod:

  • Iyong pangalan at larawan.
  • Kamakailang lokasyon ng device mo kahit na hindi gumagamit ng mga Google app.
  • Power ng baterya ng iyong device at kung nagcha-charge ito.
  • Oras ng pagdating at pag-alis mo kung magdaragdag sila ng notification ng Pag-share ng Lokasyon.

Puwede rin silang makakita ng iba pang impormasyon depende sa kung paano ka nagshe-share.

I-share ang iyong lokasyon sa Google Maps

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app Maps.
    • Tiyaking naka-sign in ka sa iyong Google Account.
    • Tiyaking idinagdag mo ang Gmail address ng tao sa iyong Google Contacts.
  2. I-tap ang iyong larawan sa profile o inisyal Account Circle at pagkatapos Pag-share ng lokasyon at pagkatapos Bagong pag-share Add people.
  3. Piliin kung gaano katagal mo gustong i-share ang iyong lokasyon.
  4. I-tap ang profile ng taong gusto mong pagbahagian ng iyong lokasyon.
    • Kung tatanungin ka tungkol sa iyong mga contact, bigyan ng access ang Google Maps.
  5. I-tap ang I-share.
I-troubleshoot ang mga isyu sa Pag-share ng Lokasyon pagkalipas ng 24 na oras
Mahalaga: May Gmail account dapat ang tatanggap ng Pag-share ng Lokasyon.

Kung mayroon kang mga isyu sa Pag-share ng Lokasyon mo sa loob ng mahigit sa 24 na oras:

  1. I-verify ang iyong edad.
  2. Kung hindi naayos ng pag-verify sa edad ang isyu:
    1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app Maps.
    2. I-tap ang iyong larawan sa profile o inisyal Account Circle at pagkatapos Pag-share ng lokasyon at pagkatapos Bagong pag-share Add people.
    3. Sa ilalim ng “I-share ang iyong real-time na lokasyon,” piliin ang Hanggang sa i-off mo ito.
    4. Sa ilalim ng “Mga Suhestyon,” mag-swipe pakanan.
    5. I-tap ang Higit pa Higit pa.
    6. Sa search bar, maglagay ng pangalan, numero ng telepono, o email.
    7. I-tap ang I-share.
Magbahagi sa isang taong walang Google Account
Para ipadala ang iyong lokasyon sa isang taong walang Google Account, i-share ang lokasyon mo sa pamamagitan ng isang link.
  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app Maps.
    • Tiyaking naka-sign in ka sa iyong Google Account.
  2. I-tap ang iyong larawan sa profile o inisyal Account Circle at pagkatapos Pag-share ng lokasyon at pagkatapos Bagong pag-share Add people.
  3. Para kopyahin ang iyong link sa Pag-share ng Lokasyon, i-tap ang Kopyahin sa clipboard.
  4. Para i-share ang mga link sa iba, i-paste ang link sa isang email, text, o iba pang app sa pagmemensahe.
Puwedeng i-share ang iyong real-time na lokasyon sa mga taong may ganitong link ng hanggang 24 na oras.

Ihinto ang pag-share ng iyong lokasyon sa Google Maps

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app Maps.
  2. I-tap ang iyong larawan sa profile o inisyal Account Circle at pagkatapos Pag-share ng lokasyon.
  3. I-tap ang profile ng taong ayaw mo nang pagbahagian ng iyong lokasyon.
  4. I-tap ang Ihinto.

Ibahagi ang tinantyang oras ng pagdating mo

Kapag sinimulan mong mag-navigate sa pamamagitan ng pagmamaneho, paglalakad, o pagbibisikleta, maibabahagi mo ang iyong destinasyon, tinantyang oras ng pagdating, at kasalukuyang lokasyon.

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app Maps.
  2. Magtakda ng destinasyon.
  3. Kapag sinimulan mong mag-navigate, mag-swipe pataas sa card ng impormasyon.
  4. I-tap ang I-share ang pag-usad ng biyahe.
  5. Piliin ang profile ng tao kung kanino mo gustong mag-share.
  6. I-tap ang I-share.
  7. Kapag nakarating ka na sa iyong destinasyon o huminto ka sa pag-navigate, hihinto ka sa pag-share ng lokasyon mo.
    • Para ihinto ang pag-share bago ka dumating:
      1. Mag-swipe pataas sa card ng impormasyon.
      2. I-tap ang Ihinto ang pag-share.

Kunin ang lokasyon ng isang tao sa Google Maps

Hanapin ang lokasyon ng isang tao

Makikita mo ang isang tao sa iyong mapa kapag na-share niya ang kanyang lokasyon sa iyo.

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app Maps.
  2. I-tap ang iyong larawan sa profile o inisyal Account Circle at pagkatapos Pag-share ng lokasyon.
  3. I-tap ang profile ng taong gusto mong hanapin.
    • Para i-update ang lokasyon ng tao: I-tap ang icon ng tao at pagkatapos Higit pa Higit pa at pagkatapos I-refresh.

Tip: Kung mayroon kang Pixel phone, alamin kung paano hanapin ang isang tao gamit ang Live View.

Hingin ang lokasyon ng isang tao

Kung ibinahagi mo ang iyong lokasyon sa isang tao, o nagbahagi siya sa iyo noon, puwede mong hingin ang kanyang lokasyon sa Maps.

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app Maps.
  2. I-tap ang iyong larawan sa profile o inisyal Account Circle at pagkatapos Pag-share ng lokasyon.
  3. Mag-tap ng contact na nag-share sa iyo noon.
  4. I-tap ang I-request at pagkatapos I-request.

Pagkatapos mong hingin ang lokasyon ng isang contact, makukuha niya ang email address mo at makakatanggap siya ng notification. Magagawa na niyang:

  • Hanapin ang iyong profile para i-verify kung sino ka.
  • I-share sa iyo ang kanyang lokasyon.
  • Balewalain ang iyong kahilingan.
  • I-block ka.
    • Kung i-block ng isang tao ang iyong request, hindi mo na mahihingi ang kanyang lokasyon.
Tip: Matutunan kung paano magdagdag ng mga notification ng Pag-share ng Lokasyon kapag may nag-share ng kanyang lokasyon sa iyo.
Itago o ipakita ang lokasyon ng isang tao

Itago ang lokasyon ng isang tao

Kung ayaw mong makita ang real-time na lokasyon ng isang tao sa iyong mapa, puwede mo itong itago. Puwede mong i-on ulit ang kanyang lokasyon anumang oras.

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app​ Maps.
  2. Sa mapa, i-tap ang kanyang icon.
  3. Sa ibaba, i-tap ang Higit pa Higit pa.
  4. I-tap ang Itago sa mapa.

Tip: Puwede mong permanenteng i-block ang lokasyon ng isang tao sa iyong mapa. Alamin kung paano i-block ang account ng ibang tao.

I-on ang lokasyon ng isang tao na itinago mo

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app​ Maps.
  2. I-tap ang iyong larawan sa profile o inisyal Account Circle at pagkatapos Pag-share ng lokasyon.
  3. Sa ibaba, i-tap ang kanilang profile.
  4. Sa itaas, i-tap ang I-unhide.

Tanggihan o i-block ang isang request para sa iyong lokasyon.

Kung makatanggap ka ng request para sa iyong lokasyon sa Google Maps at ayaw mo itong i-share, puwede mong:

  • Tanggihan ang request: I-tap ang Hindi.
    • Hindi isine-share ang iyong lokasyon.
  • I-block ang nagre-request: I-tap ang I-block.
    • Hindi ise-share ang iyong lokasyon at hindi na mahihingi ng nagre-request ang iyong lokasyon. Kapag nag-block ka ng isang tao, makakaapekto ito sa kung paano nila magagawang makipag-ugnayan sa iyo sa ibang produkto ng Google. Matuto pa tungkol sa pag-block ng mga user.

I-unblock ang isang tao

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app​ Maps.
  2. I-tap ang iyong larawan sa profile o inisyal Account Circle at pagkatapos Pag-share ng lokasyon.
  3. Sa itaas, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Mga naka-block na user.
  4. Sa tabi ng taong gusto mong i-unblock, i-tap ang Alisin Remove.

Availability ng Pag-share ng Lokasyon

Kapag binuksan mo ang Pag-share ng Lokasyon, puwede kang makatanggap ng mensahe ng babala kung:

  • Nasa bansa o rehiyon ka kung saan hindi mo mashe-share ang iyong lokasyon.
  • Hindi available ang Pag-share ng Lokasyon para sa iyong domain sa Google Workspace.
    • Para i-on ang Pag-share ng Lokasyon, hilingin sa iyong administrator.

Kung hindi gumagana para sa iyo ang Pag-share ng Lokasyon, padalhan kami ng feedback.

Mga kaugnay na resource

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
14101208554617663125
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
76697
false
false
false
false