Sa Google Maps app, puwede mong iulat ang mga pagkaantala ng tren sa mga malapit na istasyon. Puwede mo ring tingnan ang mga pagkaantalang iniulat ng iba at puwede kang bumoto rito.
Mag-ulat ng mga pagkaantala ng tren
Mahalaga: Para mag-ulat ng pagkaantala, kailangan mong mag-sign in sa iyong Google Account.
Kung lalabas ang opsyong Mag-ulat ng pagkaantala sa page ng istasyon ng isang malapit na istasyon ng tren, sundin ang mga hakbang na ito para mag-ulat ng naantalang tren na nakaiskedyul na malapit nang dumating o umalis:
- Sa iyong mobile device, buksan ang Google Maps app
.
- Hanapin ang istasyon ng tren.
- Sa mga resulta ng paghahanap, i-tap ang istasyon ng tren.
- Sa ilalim ng pangalan ng istasyon, i-tap ang Mag-ulat ng pagkaantala
.
- Tip: Kung hindi lumalabas ang Mag-ulat ng pagkaantala
, ang ibig sabihin nito ay walang linyang puwedeng iulat.
- Tip: Kung hindi lumalabas ang Mag-ulat ng pagkaantala
- Piliin kung aling linya ang naantala.
- I-tap ang Tapos na.
- Kung gusto mong pumili ng ibang linya, i-tap ang I-undo.
Tingnan ang at bumoto sa mga pagkaantalang iniulat ng ibang user
Ang mga pagkaantalang iniulat ng ibang user ay lumalabas bilang mga alerto sa Google Maps app. Ipinapakita ng mga alertong ito kung gaano na katagal mula nang iniulat ang pagkaantala at kung ilang user ang nagkumpirma sa pagkaantala.
Kung makakatanggap kayo ng alerto at hiniling sa inyong bumoto sa kung may mga pagkaantala pa rin:
- Para magkumpirma ng ulat sa pagkaantala, i-tap ang Oo.
- Kung tapos na ang pagkaantala ng linya ng tren, i-tap ang Hindi.
- Kung hindi sigurado sa ulat ng pagkaantala, i-tap ang Hindi Sigurado.