Tinatawag na ngayong Timeline ang History ng Lokasyon, at may mga mapapagpilian ka na ngayon para sa iyong data.
- Para patuloy na magamit ang Timeline, dapat ay may up-to-date kang bersyon ng Google Maps app. Kung hindi, puwede kang mawalan ng data at access sa iyong Timeline sa Google Maps.
- Kung bago kang user ng Timeline, alamin kung paano magsimula sa unang pagkakataon.
Puwede mong i-edit o i-delete ang iyong mga bisita o ruta sa Timeline ng Google Maps sa device mo. Pakitandaan:
- Hindi available ang Timeline sa mga Android Go device.
- Kung i-e-edit o ide-delete mo ang iyong data sa Timeline sa isang device, hindi makikita ang mga pagbabagong iyon sa ibang device.
- Kapag na-delete mo ang data sa Timeline, permanente na itong made-delete at hindi na mare-recover. Posibleng may data sa Timeline ka pa rin sa ibang device at mga backup sa Timeline.
Mawawala na ang Timeline para sa mga web browser
Dahil direktang galing sa device mo ang data na ipinapakita sa iyong Timeline, hindi magiging available ang Timeline sa Maps sa computer mo kapag nailipat na ang iyong data. Para ilipat ang iyong data sa device mo, i-download ang Google Maps app.
Paano panatilihin ang kasalukuyang data sa Timeline mo
Mahalaga: Tiyaking mayroon kang bersyon 11.106 o mas bago ng Google Maps app, Android 6.0 o mas bago, o i-update ang iyong Google Maps app.
Para panatilihin ang kasalukuyang data sa Timeline mo, dapat mong i-update ang iyong mga setting:
- Makakatanggap ka ng push notification, mensahe sa email, o in-app na notification tungkol sa Timeline.
- Sundin ang mga tagubilin sa screen.
- I-tap ang Done.
Ililipat ang iyong data sa device batay sa mga setting na pinili mo. Kung gusto mong i-import ang iyong data sa ibang device, puwede mong i-on ang pag-back up.
Kung hindi mo ia-update ang iyong mga setting bago ang deadline sa mga email at notification na natanggap mo, puwedeng mawala ang ilan o lahat ng data sa Timeline mo, tulad ng mga pagbisita at ruta mo.
Para sa higit pang impormasyon, sumangguni sa email mula sa History ng Lokasyon ng Google.
I-back up ang data sa Timeline mo
Puwede mong awtomatikong i-back up ang iyong Timeline kung kailangan mong lumipat ng device. Kapag na-back up mo ang iyong data sa Timeline, magse-save ito ng naka-encrypt na kopya ng data sa mga server ng Google.
Mahalaga: Puwedeng abutin nang ilang araw bago lumabas sa backup ang mga pagbabago sa iyong Timeline.
I-on ang backup sa iyong deviceMahalaga: Para i-on ulit ang backup, naka-off dapat ang awtomatikong i-delete.
- Sa iyong Android phone, buksan ang Google Maps app
.
- I-tap ang iyong larawan sa profile o inisyal
Iyong Timeline.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang cloud
.
- Kung naka-on ang awtomatikong i-delete, i-off ito.
- Para i-off ang awtomatikong i-delete, i-tap ang Huwag awtomatikong i-delete ang aktibidad.
- Sa screen ng Backup, i-on ang Pag-back up.
- I-tap ang Oo.
Mahalaga: Kapag na-off at na-delete ang mga pag-back up, hindi nito ide-delete ang data sa Timeline na naka-save sa alinman sa iyong device. Puwede mong i-on ulit ang mga pag-back up kahit kailan.
- Sa iyong Android phone, buksan ang Google Maps app
.
- I-tap ang iyong larawan sa profile o inisyal
Iyong Timeline.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Pag-back up
.
- Mula sa seksyong “Iyong mga pag-back up,” pumili ng device.
- I-tap ang Higit pa
I-delete.
Mahalaga: Kapag na-off at na-delete ang mga pag-back up, hindi nito ide-delete ang data sa Timeline na naka-save sa alinman sa iyong device. Puwede mong i-on ulit ang mga pag-back up kahit kailan.
- Sa iyong Android phone, buksan ang Google Maps app
.
- I-tap ang iyong larawan sa profile o inisyal
Iyong Timeline.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Pag-back up
.
- I-off ang I-back up ang device na ito.
- Sa screen na “I-off at i-delete ang pag-back up,” i-tap ang I-off at i-delete.
I-import ang data sa Timeline mo mula sa isang backup
Para maglipat ng kasalukuyang backup sa ibang device o i-import ang Timeline mo sa isang bagong device, puwede mong i-import ang data sa Timeline mo mula sa isang backup:
- Sa iyong Android phone, buksan ang Google Maps app
.
- I-tap ang iyong larawan sa profile o inisyal
Iyong Timeline.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang cloud
.
- Mula sa seksyong “Iyong mga pag-back up,” pumili ng device.
- I-tap ang Higit pa
I-import.
- Sa screen na “I-import ang Timeline mula sa backup,” i-tap ang I-import.
Mga madalas itanong
Inilipat ko ang aking data sa Timeline sa device ko, pero nawawala ang ilan sa mga ito. Ano ang nangyari?- Sa pangkalahatan, ililipat ang data sa iyong device sa loob ng ilang oras. Gayunpaman, kung inilipat mo ang iyong data nang mahina ang koneksyon ng network ng device mo o kaunti na lang ang baterya nito, puwedeng abutin nang ilang araw bago lumabas ang data mo.
- Pumunta sa Mga kontrol ng aktibidad at tingnan ang iyong setting ng awtomatikong pag-delete, na tumutukoy sa kung gaano kalaking data ang ililipat sa device mo. Kung inilipat mo ang iyong data sa device mo at pinili mo ang awtomatikong i-delete ang aktibidad na mahigit 3 buwan, 18 buwan, o 36 na buwan na, ide-delete at hindi na mare-recover ang anumang data na mas luma sa panahong iyon.
- Para mailipat ang iyong data sa Timeline, dapat matugunan ng device mo ang mga requirement na ito:
- May bersyon 11.106 o mas bago ng Google Maps app
- May Android 6.0 o mas bago
- Nagcha-charge o may >10% baterya
- May maaasahang signal ng Wi-Fi o mobile phone
- Lalabas ang icon ng cloud kapag nailipat na ang data mo sa iyong device.
- Puwede itong abutin nang ilang araw o mas matagal depende sa status ng device mo.
- Kapag nailipat na ang data mo, lalabas ang icon ng cloud, at magagawa mong i-on ang mga backup.
- Unti-unting ilulunsad ang pagbabagong ito sa Timeline sa lahat ng user ng Google Maps. Sa pagtagal, kakailanganin mong ilipat ang iyong data sa isang device para mapanatili ang kasalukuayng data o patuloy na magamit ang Timeline.
- Pagkatapos mong ilipat ang iyong data sa Timeline sa device mo, hindi mo na maa-access ang iyong Timeline mula sa isang desktop computer, at lalabas lang ang data mo sa device kung saan mo ito inilipat.
- Para mailipat ang iyong data sa ibang device, i-on ang backup at i-import ang data mo sa ibang device.
- Dahil partikular ang Timeline sa bawat device, hindi ka makakagawa ng isang Timeline na nagpapakita ng lokasyon ng maraming device.
- Para maglipat na lang ng data sa pagitan ng mga device, i-on ang backup sa isang device, pagkatapos ay i-import ang data nito sa ibang device.
- I-on ang backup sa iyong mga device, na awtomatikong gagawa ng naka-encrypt na backup ng iyong data sa Timeline sa mga server ng Google.
- Kahit na mawala o masira mo ang iyong telepono, hangga't na-on mo ang backup, puwede mong i-import ang iyong data sa ibang device.